Kendrick Ethan
"Kenken!"
"Kendrick, gising na!"
Nagising ako sa boses ng nanay ko. Tsk, umagang-umaga nagbubunganga na naman. Ang sarap pa ng tulog ko, e. Ipinikit ko na lang uli ang mga mata ko dahil gusto ko pa talagang matulog. Kung pwede lang matulog ako buong araw, ginawa ko na. Lintik kasing project sa Chemistry, inabot na ako hanggang madaling araw.
Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng mag yabag saka pagbukas ng pinto sa kwarto. Hindi ko na lang pinansin dahil wala talaga ako sa mood magbukas ng mata.
"KENDRICK ETHAN MADRIGAL SARMIENTO!" Kasabay ng malakas na sigaw ay nakaramdam ako ng paghampas sa mga binti ko.
"Aray naman, Ma! Umagang-umaga, e. Matutulog pa ako," naiinis kong saad.
"Umagang-umaga? Hoy, magtatanghali na. Yung mag kapatid mo kanina pa nagsipasok sa school. Ikaw nakahilata pa rin dito"
"OA mo naman, Ma. Alas-otso pa lang, e," inaantok kong sabi.
"Babangon ka riyan o makakatikim ka sa 'kin?" Nakataas na naman ang kilay niya na mas mataas pa yata sa sikat ng araw.
"Eto na po, babangon na." Umalis naman agad ang momzilla. Nagbuntong-hininga muna ako saka bumangon at dumiretso sa bathroom upang maligo.
Nang bumaba na ako ay wala akong nadatnang tao. Mukhang pumasok na sa trabaho si Mama Yung mga kapatid ko kanina pa sigurong alas-sais pumasok Sila lang ang early bird sa bahay na 'to samantalang ako bird lang.
Kinain ko na lang 'yong hinandang breakfast sa lamesa pagkatapos ay nag-lock ng bahay at gate pagkalabas ko. Ang init-init sa labas. Tsk, tama nga si mama, tanghali na. Wala ring dumadaang tricycle kaya naglakad na lang ako hanggang sa paradahan para makapunta sa sakayan ng jeep.
Pagkarating sa sakayan ay saktong may paparating na jeep. Yung mga katabi ko rito ay halos salubungin na yung jeep para makauna sa upuan. Ha, magpapatalo ba naman ako? Siyempre, hindi. Kulang na nga lang lagyan ko ng barikada itong gilid ng kalsada para kapag nandiyan na yung jeep ay saka ko isasara para ako yung mauna sa tabi ng driver. Ayoko nang sumakay sa likod kasi na-trauma ako last week. Pucha, paggitnaan ba naman ako ng dalawang may putok. Akala ko nga mahihimatay na ako nang mga oras na 'yon, buti na lang mabilis lang nakarating ss tapat ng school yung jeep na sinakyan ko.
Saktong tumapat yung harapan ng jeep kung saan ako nakatayo kaya agad akong sumakay sa may tabi ng driver. Pagtingin ko sa may rear view mirror ay puno na agad yung likod kaya pinaandar na ng driver 'yong jeep.
Pagkarating sa school ay may mangilan-ngilan na estudiyanteng pakalat-kalat. Lagot. Late na talaga ako. Napatampal na lang ako sa noo nang tignan ko ang relo ko. 8:45. Anak ng pating naman, o. Patapos na pala yung first period.
Tumakbo ako papunta sa building namin, umaasang baka nagdi-discuss na yung teacher sa ibang section. Pagkarating sa floor ng room namin ay hingal na hingal ako pero dumiretso na lang ako sa room namin para makaupo na ako. Pero sana 'di ko na lang ginawa...
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng room at sinilip ang mga kaklase ko. Ayos, wala na si Ma'am. Wala siya sa usual spot niya na gitnang aisle ng room... dahil nasa harapan siya mismo.
"Good morning, Mr. Sarmiento." Napapikit na lang ako nang batiin ako ni Ma'am. Lagot na talaga. Mukha lang masaya si Ma'am kasi binati niya ako pero paniguradong nagngingitngit na yung dragon sa loob niya.
"G-Good morning, Ma'am," kinakabahan kong saad.
"Ang aga mo ulit ngayon, Mr. Sarmiento." Ngumiti siya nang malademonyo sa akin saka humarap sa mga kaklase ko. "Palakpakan naman natin ang Most Punctual sa klase." Nag-init ang buong mukha ko sa kahihiyan nang pumalakpak silang lahat. Siyempre, naghiyawan din yung mga kaibigan kong bugok. Mga gago, mamaya kayo sa 'kin.

BINABASA MO ANG
Meadow and Lions
Teen FictionMeadow and Lions by Tyler Glare We all have the freedom to dream what we want, to achieve who we want to be. Libre lang naman ito at hindi naman napakahirap gawin kaya, bakit hindi? Mag-iisip ka lang ng mga nais mong makamit sa buhay o mga bagay na...