Sami POV
Nakikiramdam pa rin ako hanggang ngayon sa sumusunod na kotse sakin. Lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo at huminto sa madilim na lugar. Tiningnan ko muna ang orasan sa braso ko , 12 in the midnight.
Damn ,naalala ko ang sinabi Samantha. Ganitong oras , maraming pumapatay dito sa italia. Iyon ay ang mga ibat ibang gang na naririto.
Ng makita kong wala ng sumusunod sakin mabilis akong nagdrive pabalik sa bahay.
" San ka galing ? " bahagya akong nagulat ng makita ko roon si Samantha.
" dyan lang , nagpahangin " Pagpapalusot ko
" Wag mo ko lng lokohin Samiclouie , Diba sinabi ko naman sayo? Wag ka munang gumawa ng hakbang? "
Hinubad ko ang makapal na coat at umupo sa sofa. " hays , kaya ko naman "
" Yes you are , kaya mo nga pero kuta nila yun. Alam mo namang milyon ang tauhan sa mansyon na yun. Wala kang laban sa mga tauhan ni sandford. Kaya kung may gusto kang gawin. Isama mo kami "
Inis akong humithit sa vape ko " atat na kong patayin yang si Sandford. "
Samantha rolled eyes " Gaga ka , Wag padalos dalos. "
" Tss , tulog na ba sila? " pag iiba ko ng usapan dahil ayokong makipagtalo pa , dahil kahit ano naman ang sabihin ni Sam sakin ay buo na ang desisyon ko.
" Yes , uminom sila kaya ayun mga bagsak. "
" hmm , akyat nako sa taas.. Have a goodnight My cousin "
Hindi ko na ito inintay pang sumagot.
Napapabuntong hininga akong napatitig sa Cellphone ko.
Gusto kong tingnan kung kamusta na ba sila sa Pinas. Pero , Kung makikita ko si Callix ay tyak na mahohomesick na naman ako."HEY, VIENI LASŚU. STIAMO ANDANDO DA QUALCHE PARTE"
Nagising ako sa malakas na sigaw ng boses ni Samantha sa loob ng kwarto ko." SAMICLOUIE ! "
"hmm , im sleepy" Namamaos kong saad dito.
" SAMICLOUIE !!!! "
" Che cosa ? Ti rispetto. Non voglio ancora alzarmi " nakapikit kong saad.
" But , where going somewhere. hmm , nice , ambilis mo matuto mag italian ahh. Bumangon ka na dyan. May pupuntahan sabi tayo"
Inis akong bumangon at parang nagmamarchang tumungo sa Comfort room.
Matapos kong magbihis humarap ako sa whole body mirror..
" Hindi ko na makita ang Rea sa mukang to. " Hinaplos ko ng bahagya ang pisnge ko.
Mabilis kong sinuot ang lens na kulay abo. At uminom ng gamot bago bumaba.
" Le ' go? " tanong ko matapos kong makita ang Devilous sa may sala.
" Look so good sami " Ani braton .
" So, Saan tayong lahat at bakit buo tayo ngayon? "
" Somewhere "
Automatic umikot ang mga mata ko. " Sige ganyanin nyo ako , hindi na lang ako sasama "
Mabilis akong tumalikod at akmang maglalakad paitaas.
" Uuwe tayo ng Pinas Sami. "Malakas na saad ni royet . The leader of our gang
Matic na natigilan ako at ilang segundo pa ang nakakalipas bago ako humarap sa kanilang muli.