Chapter 35
Together
Kung hindi ko man kayang maisama si Vans pabalik sa real world, mananatili nalang ako dito sa story world.
If this idea worked, then sa tuwing malapit na ang ending, ulitin nalang din namin ang story. In that way makakasama ko na siya.
But there's still barrier...
"How will you going to do that? Papaano mo makukuha ang libro kung alam mong naroon si Vans? Kaya mo na ba siyang harapin?" Hamon ni ma'am sa akin.
Nakagat ko naman ang pang ibabang labi ko dahil doon. I know that he's there dahil sa mga panahon na ito, wala ang role ni Leon sa scene.
He's in hiding because of their sins to Narizz and Vann's family.
"You can help me ma'am, right? Para makuha ko ang libro sa loob?" I said almost begging. Nadismaya naman ako kaagad nang mukhang hindi siya kumbinsido at walang balak na tulungan ako.
"I am so sorry Narizz, I can't..." umiling siya sa akin at pagkatapos niyang gawin iyon, pumitik siya sa ere.
Dahil doon ay bigla akong nag pop up sa ibang lugar, natagpuan ko ang sarili ko na nasa loob ng kotse ni Vann.
He is driving on somewhere. Ako naman ay hindi mapakali sa upuan ko. Nanlalamig ang mga kamay at medyo nanginginig ang tuhod.
Napabaling ako sa kanya nang makita kong hinawakan niya ang tuhod ko.
"Relax, Narizz. Promise, I don't kow what my mother said noong huli niyong pag-uusap but I am sure, hindi na siya ganoon ngayon." He assured me kaya medyo naramdaman ko namang kumalma ako.
"Okay, but I am not really nervous Vann. Nilalamig lang ako." Peke pa akong akong tumawa.
"Oh, sorry baby. Malakas ba masyado ang aircon?" Natatawa niyang tugon at medyo hininaan ang aircon sa kotse niya.
Halatang hindi siya naniwala doon, I saw amusement on his eyes. Gumapang pa ang kamay niya galing sa tuhod ko papunta sa kaliwang kamay ko. He intertwined both our fingers at buong biyahe niyang hawak ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa mansion nila.
Yes, mansion and it is close to a royal family's castle.
Kahit papaano medyo napangiti naman ako ng bahagya dahil sa nakita ko. So this is my imagination, I am finally seeing it now. This is how I described it in the story.
In front, there's huge gate and brick wall na nagtatago sa kabuuan ng bahay kapag nasa labas ka lang.
Automatic na bumukas ang gate nila kaya naman pinasok na ni Vann ang kotse niya.
Bubungad ang malawak na garden, may tatlong fountain pa sa gitna. Pinapagitnaan ng dalawang maliit ang malaking fountain na may sculpture ng isang mermaid goddess sa tuktok ng fountain, she's holding a huge vase at doon lumalabas ang tubig.
May man made pang maliit na sapa sa parehong gilid ng maliit na fountain kaya dadaan ka pa sa malaking tulay para makapasok sa loob ng mansion nila.
Halos katabi lang ng brick walls ang parking lot nila kaya mabilis na i-park ni Vann ang kotse niya. Bumaba na kaming sabay doon at nang makalapit siya sa akin, pinagdaop niya ang kamay naming dalawa.
Huminga ako ng malalim bago kami sabay na naglakad sa man made bridge doon. Lumukob ang kaba sa dibdib ko nang mapadako ang mata ko sa mga nakaabang sa pintuan ng bahay nila.
I saw Vann's parents and a few maids standing in front of their double doors.
"Hi, hija! Good morning!" Mabilis na lumapit sa akin ang Mama ni Vann at medyo nanlaki pa ng bahagya ang mata ko nang mag beso siya sa akin at bahagya pa akong niyakap.

BINABASA MO ANG
Journey Inside (Stand Alone)✔️
FantasiNarizz Sy is a typical high school girl, but not a good student. She always cuts classes, her grades are not higher than you think and she doesn't have a good bond with her family. One day, she started to feel that she was not in her real personalit...