Unang Bahagi
Three Months Later.....
"Di ko alam pero sa tuwing ika'y nakikita bumibilis ang ta... ta... ta..?"
Napakamot na naman siya sa ulo habang inaalala ang mga salitang nalimbag sa script
"Takbo"
Maikli kong tugon
"Ay oo nga pala pasensya na direk"
Pabiro nitong sabi
"Grabi naman yung direk pau, pero sige break muna tayo mga five minutes"
"Okay direk"
"By the way Pau, Thank you nga pala sa paghatid sakin, alam kong matagal na yun pero thank you parin"
"Ha?"
"Hala nakalimutan mo agad, yung hinatid moko sa bahay"
"A.. Ah oo, okay lang yun no problem direk"
Tumango ako at kinuha ko ang tumbler ko at ang makapal na script na nakapatong sa stage, ay hindi po ako direktor ha.. may play kasi kami sa susunod na linggo, ako ang inatasang magsulat at mag direk ng play, anniversary kasi ng Drama club sa aming paaralan
I'm Via Denniz Molina, Architecture student ako pero gusto ko talagang magsulat at mag act kaya ako napabilang sa club na ito pangarap ko talaga ang maging writer pero hindi iyon pwedi sa angkan namin mula kasi kina Lola at Lolo Architect na talaga ang kurso at propesyon nila, si Papa at si Mama ay isang Architect rin at para sa kanila walang pera sa pag susulat kaya tagong tago sa kasuluksulukan ang mga nasulat kong write ups at mga storya, dalawang taon na na ako ang nagsusulat tuwing anniversary play ang tinatanghal, palagi kasi akong nagbabakasakali baka mapansin ang kwento ko...
"Okay everyone gather around na magsisimula na ulit tayo"
Mahinahon kong sabi sa lapel ko
Pumunta na sila sa stage at nagsimula na ulit ang insayo...
"Oh mahal kong Michael Angelo matagal ko na itong tinatago... mahal kita at kahit anong pagkukunwari ang aking gawin ikaw parin ang sinisigaw ng aking damdamin"
"Paumanhin binibining Agnes hindi ko pa alam ang aking sasabihin ang tanging bigkas lamang ng aking damdamin ay... di ko alam pero sa tuwing ika'y nakikita bumibilis ang takbo ng aking puso"
Hayst salamat naman at naituwid rin ni Paulo ang kanina pang salitang nakakalimutan nito
"That's it guys, see you tommorow"
Nag sipalakpakan na sila at nilisan ang lugar
"The logistics are requested to stay for we will be having a meeting after the 15 minutes break"
Seryosong sabi ng assistant director ng play
His Migs short for Benjamin Miguel Villegas twin brother ni Pau short for Benjamin Paulo Villegas pareho silang third year students taking up Bachelor of fine arts, they are the sons of the well-known and most awarded director Mr.Danleeton Villegas, kilala ko sila but we're not close minsan lang kami nag uusap but nakatuon parin ang focus namin sa play special kasi ngayong taon kasi mag reretire narin ang Adviser ng Drama Club kaya may pa farewell party narin para kay Ms.Betty...
"Guys ano na? hindi ko maayos ayos ang stage sketch na epe-present ko this friday kasi ang bagal niyong gumawa ng props at back drops"
paunang salita ni Migs sa pagbukas ng meeting
"Okay bro, chill ginagawa na namin ang lahat para mapadali yung mga props alam mo namang kulang sa tao kasi konti lang yung nag sign up sa club this year"
YOU ARE READING
Wish you never left (Completed)
Teen FictionAng nakaraan ay kalimutan kahit mahirap mabura sa isipan, magpatuloy sa buhay kahit alam mong may nawawalang piyesa sa iyong kaloob-looban. Ano ang mas importante Pagmamahal o Tradisyon? Karera ba o pagmamahal? Kaya mo bang ipagsigawan sa mundo na...