Ikalawang Bahagi
Benjamin Miguel's POV...
"Kuys loko loko ka talaga buti nalang nagets kita agad kanina"
"Stop talking Pau mamaya niyan may makarinig pa sayo"
"Kuys tayo tayo nalang ang tao sa dito maliban kay manong guard"
"Bahala ka"
Naiinis kong sabi sabay pasok sa kotse ko kanina pa nakauwi yung iba, nahuli kami ni Pau kasi inayos ko pa ang mga backdrops at props para sa sketching na gagawin ko bukas
Pinaandar ko na agad ang kotse at umuwi na, by the way wag kayong mag alala kay Pau may sarili ring sasakyan yun
Pagdating ko sa bahay sinalubong ako ni Mommy ng halik limang araw kasi siyang di nakauwi, she attended a Fashion show in Los Angeles
"Mom stop"
"Bakit ba namiss ko mga baby ko"
Sabi nito habang niyayakap yakap kami ni Pau
"Oh mamaya na yan maligo na kayo nang makakain na tayo"
Hay thank you for saving Dad
Kumawala na kami sa yakap ni Mommy at umakyat na sa taas
Anim lang kami sa bahay sina Mom,Dad,Ako, Pau at yung dalawang Yaya kaya nasanay na kaming maglinis, maghain ng pagkain o magluto kahit simpleng mga putahi lang nahihiya rin akong magpalaba sa dalawang kasambahay namin kasi puro ito babae kaya ako na ang nagpapa-laundry ng mga damit ko
Unlike with my twin brother Pau yun yung makulit at makalat
Bumaba na ako para kumain
"Kamusta naman yung play niyo?"
Paunang salita ni Daddy
"Okay lang Dad may mga problems but just a basic ones"
"You know Dad Kuys have a lover na"
Natigilan ako sa sinabi ni Paulo ang OA na naman ng kalalabasan nito mamaya
"Oh my gosh, is that true my baby?"
Tumayo si Mommy at niyakap ako
"Binata kana talaga Migs akala ko tatandang lala..."
"Com'on Mom she's not my lover okay?"
pagputol ko sa salita ni Mom
"And besides di ko siya katulad she's a..."
"Si Via Denniz Dad yung writer ng play"
Uminit ang mukha ko ng marining ko ang pangalan niya naalala ko na naman ang maganda niyang mata ng nag tama ang paningin namin sa isa't isa kanina
"Tapos na po ako"
Uminom agad ako ng tubig at dali daling umakyat sa hagdan, I'm not used to it di ko alam pero ayokong nakikita ng tao ang soft side ko feeling ko kasi that's my weakness
"Tapos kana eh di mo pa nagalaw pag kain mo!"
Natatawang sigaw ni Mommy sakin
That idiot Pau talaga di napipigilan ang bibig
I open my phone at sinearch ko ang pangalan niya sa Facebook di pala kami friends I stared at her photo she's plain, simple yet unique, she loves to travel and magaling ring magdrawing no wonder she's an architect
"Ayyy!"
gulat kong bigkas ng mapindot ko ang like button dali dali ko itong pinindot ulit
"Bat di ko mabawi"
YOU ARE READING
Wish you never left (Completed)
Teen FictionAng nakaraan ay kalimutan kahit mahirap mabura sa isipan, magpatuloy sa buhay kahit alam mong may nawawalang piyesa sa iyong kaloob-looban. Ano ang mas importante Pagmamahal o Tradisyon? Karera ba o pagmamahal? Kaya mo bang ipagsigawan sa mundo na...