Chapter 1

13.1K 357 23
                                    

Clyde

Ingay, sigawan, at yabag ng mga taong naglalakad. Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko tuwing gigising ako ng maaga. Kaya hindi ko maiwasan na mainis dahil pagod na pagod ako kahapon at kailangan ko ng mahabang pahinga pero hindi na naman natuloy dahil sa mga kapitbahay kong maiingay. Ewan ko ba o sadyang malalakas lang talaga ang mga boses nila at hindi ma-preno.

Kaya sinanay ko ang sarili ko dahil araw-araw na lang ganito ang bumubungad sa akin tuwing umaga.

Lumabas ako ng kwarto papuntang kusina dahil nando'n 'yong banyo ng nirerentahan kong apartment. Para na din makaligo ako at makapasok sa trabaho. Maliit lang naman ang apartment na ito dahil hindi ko naman kailangan ng masyadong malaking tinitirhan dahil ako na lang ang bumubuhay sa sarili ko. At tsaka ang mahal mahal ng singil nila kahit na hindi ako madalas narito sa bahay.

Ulila na rin akong lubos. Namatay ang nanay ko no'ng mga na sa sampung taon ako. Ang tatay ko naman ay sumakabilang-bahay. Ibig sabihin mayroon na itong bagong pamilya. Pinagpalit niya kami sa kabit niya.

Pero kahit gano'n pa man, na pag-aral ko naman ang sarili ko. Nakapagtapos ako ng pag-aaral kaya ito isa na akong alagad ng batas. Hindi ko nga sukat akalain na magiging pulis ako dahil no'ng bata naman ako mahilig ako sa mga negosyo. Pero napagkaalaman ko na, hindi talaga ako para dito. Hanggang sa nahilig ako sa mga baril.

Hindi ko na namalayan na nakarating napala ako sa kwarto. Nagsuot ako ng pang-araw araw kong uniporme. Itim na polo shirt na may tatak ng PNP i-tinucked in ko ito sa itim na pantalon. Kinuha ko ang tsapa ko pati na rin ang baril ko.

Ininom ko muna yung ginawa kong kape at tsaka lumabas at ni-lock ang pinto.

Ang ingay pa rin talaga sa barangay namin kahit anong oras. Binabati ako ng mga nakakasalubong ko ng maganda umaga. Alam kasi nila na isa akong pulis kahit na nakikita na nila sa uniporme ko. May respeto pa rin sila sa akin kahit na sobrang ingay nila.

"O Clyde iha! Magandang umaga, parang mas lalo kang gumaganda ngayon ha." Natawa naman ako sa sinabi ni Aling Rita, may-ari ng kilalang karinderya dito sa barangay namin. "Maraming salamat ho." Hindi naman sa pagmamayabang, maganda naman talaga ako at sexy. Takot lang talaga ang mga tao dito para lapitan ako.

"Mag-almusal ka muna. Libre na 'to para sayo." Nagulat naman 'yong mga taong kumakain sa karinderya ni Aling Rita. Hindi kasi madalas magbigay ng libre si Aling Rita laging may bayad. Masyado kasing mahal 'yong mga tinda niya pero masarap naman.

"Ah, 'wag na ho. Sa opisina na lang ako kakain." Tanggi ko. "Sigurado ka? O' ayaw mo lang sa luto ko?"

Natawa naman 'yong mga customer niya pero hindi niya ito pinansin. "Hindi naman sa gano'n, Aling Rita. Masarap naman po kahit papa'no 'yang luto niyo." Syempre totoo 'yong sinasabi ko, kasi nakatikim na rin ako ng luto niya.

"Ah, basta! Kunin mo na itong niluto ko sayo. Niña anak, bigay mo nga ito sa kanya." Utos niya sa kolehiyala niyang anak.

"O ate Clyde, ikaw kasi ayaw mo pa tanggapin 'yong luto ni Inay, eh parang anak ka na nga rin niya." Ngumiti naman ako sa kanya. Tinuturing ko na rin kasi siyang nakababatang kapatid dahil nag-iisang anak nga ako wala na akong ibang pamilya.

"Salamat. O ito, baon mo." Sabay bigay sa kanya ng isang daan. "Para saan 'to Ate? Binigyan na ako ni Inay eh."

"Sayo na 'yan. Ipunin mo kung gusto mo." Sabi ko sabay gulo sa buhok niya. "Salamat po."

"Gusto mo ba ihatid na kita?" Umiling naman siya.

"'Wag na, Ate. Ayoko pang mamatay." Tumawa naman siya bago nagpaalam. Paano naman kasi, sa tuwing inaaya ko siyang ako na ang maghahatid sa kanya tumatanggi ito. Dahil ayaw daw niyang sumakay sa motorsiklo ko baka ma-aksidente daw kami. Pero sabagay may punto siya do'n, delikado rin minsan ang motorsiklo.

Nang makarating na ako sa istasyon kung saan ako nakarehistro, ipinark ko yung motorsiklo ko sa parking lot. Tinanggal ko 'yong suot kong helmet bago bumababa at kinuha sa compartment ng motor 'yong pagkaing binigay sa akin ni Aling Rita.

Sumaludo sa akin 'yong guwardya na si Mang Totoy, nginitian ko naman siya at bumati ng good morning. Pumasok ako sa loob at binati ang mga pulis na nakakasalubong ko. Umupo ako sa table ko katabi ng table ni Raul, ang kaibigan ko simula no'ng na sa training palang kami. Pagkaupo ko inilapag ko sa lamesa 'yong pagkain.

"Clyde, anong sikreto mo?" Ayon agad 'yong tanong niya sa akin wala man lang good morning. "Anong sikreto? Siraulo ka ba? Anong pinagsasasabi mo?"

"Siraulo agad, tinatanong ko lang kung ano sikreto mo kung bakit ka laging gumaganda."

"Pasensya na ha? Malay ko bang 'yon 'yong sasabihin mo."

"Mukhang masarap 'yang dala mo ha?" Sumilip siya sa lamesa ko kung saan nakapatong 'yong pagkain ko, na agad ko naman tinakpan. "Akin 'to Raul ha? Bigay sa akin 'to ni Aling Rita. Ngayon na nga lang ako ulit makakatikim ng luto niya eh. Aagawin mo pa."

"Pasensya na. Mukhang masarap eh. Ako kaya kailan ko matitikman yung anak niya?"

"Gago ka talaga!" Sigaw ko sa kanya nang medyo mahina dahil baka marinig kami ng mga kasamahan namin dito. Hinampas ko siya ng diyaryo sa ulo na ikinagulat niya.

"Ang bata-bata pa ni Niña, ikaw na sa treinta ka na. Ayoko siyang mapakasal sayo. At tsaka ayokong makita ka na lumalapit sa kanya, kun'di malilintikan ka sa 'kin."

"Grabe ka sa treinta magkasing edad lang tayo 'no."

"Anong mag-kasing edad? Veinte cuatro palang ako samantalang treinta y dos ka na. At tsaka ang laki ng age gap niyo ni Niña, diecinueve palang siya." Pagtatama ko.

"Eh, anong magagawa ko? Gusto ko siya eh, at tsaka diba may kasabihan silang age doesn't matter."

"Age doesn't matter ka pang nalalaman at tsaka hindi bagay sayo mag-ingles. Basta ayokong umaaligid-aligid ka sa kanya baka may mangyaring masama do'n."

"Kahit kailan ka talaga, suportahan mo naman ako sa lovelife ko. Minsan na nga lang magkagusto eh."

"Susuportahan kita 'pag ibang babae na 'yong nagustahan mo, basta 'wag si Niña." Wala naman akong narinig na sagot sa kanya kaya nilingon ko siya. Napansin kong sa ibang direksyon siya nakatingin.

"Ang ganda niya, Clyde. Mas maganda siya sayo. Sige, hindi ko na kukulitan si Niña, sa kanya na lang ako." Siraulo talaga 'tong unggoy na 'to.

Tinignan ko naman kung saan nakabaling 'yong tingin niya.

At hindi ako nagkamali nakatingin siya sa isang babae.

Hindi lang babae.

Napakagandang babae.

𝐂𝐘𝐁𝐄𝐋𝐋𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon