Chapter 16

2.6K 47 3
                                    

"Nandito po ako para sunduin si Sam." Paalam ko sa mga magulang niya na nakatulala lang.

Nakitang napakagat ng labi si Sam. Naiilang siya siguro dahil nandito yung parents niya. Dapat kanang masanay Sam dahil araw-araw kitang susunduin. Dahan dahan namang tumayo si Sam. Hindi pa siya nakakahakbang nang magsalita ang mommy niya. And I saw her cheeks heat up. "Sinusundo mo si Sam?" Tanong sakin ni tita.

"Opo" magalang kong sagot.

Tumikhim naman si tito bago magsalita. "Mukhang close na kayo ni Sam ah."

"Diba nga sabi ko daddy nagbabagong buhay na ako." Sagot ni Sam na ngayon ay nakatayo parin.

Umiling iling lang si Tito. "Sige na umalis na kayo."

Hinawakan ko sa kamay si Sam. "Tara na." Tumango lang siya kaya hinila ko na siya palabas.

Pagkasakay sa kotse kaagad siyang nagtanong sakin. "Bakit hindi mo manlang ako tinext?"

Pinaandar ko muna yung kotse bago ako sumagot. "Para surprise."

"Nahawa kana ata kay Liam." Walang buhay na saad ni Sam.

"Ano yon virus na nakakahawa." Saad ko at pinaharurot na ang sasakyan.

Pagkarating namin sa building bumaba agad si Sam sa kotse. Hindi man lang ako hinintay,napaka rude niya talaga sakin. Napailing nalang ako at bumaba narin para sundan siya.

"Sam!" Tawag ko sa kanya kaya huminto siya para hintayin ako.

"Hindi mo manlang ako hinintay."

"Hinintay kita tingnan mo nga nakahinto ako ngayon."

"I mean kanina."

Sam just rolled her eyes. "Whatever" nilampasan niya lang ako. "Bakit bad mood ka ngayon?"

"Nakita na naman kasi kita." Medyo nasaktan ako dun. Panira pala ako ng araw niya.

"Edi hindi nalang kita papansinin." Saad ko at nauna na akong naglakad.

Narinig ko naman ang mga yabag sa likod ko. "Hoy, sorry na." Saad ni Sam kaya napangiti ako.

Humarap ako sa kanya at ginulo ang buhok niya. "Tara na girlfriend." Inabot ko ang kamay niya at pumasok na kami sa office. Pagkapasok namin bumungad aga si Liam na nakaupo sa swivel chair ko. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Si Sam naman ay inaayos ang desk niya.

"May nabalitaan kasi ako na..." May pa suspense pang nalalaman.

"Na ano?"

Tumingin muna siya sakin bago tumingin kay Sam. "Kayo na daw."

When I look at Sam I saw her stunned.

"Sino nagsabi niyan sayo?" Tanong ni Sam.

"Si Rose" simple niyang sagot.

"Ang chismosa talaga ng babaeng yon." Saad ko

Narinig namin na bumukas ang pinto at iniluwal non si Rose. "Narinig ko ang pangalan ko ah." Pagpasok niya ng office ko may dala siyang kape. Umupo siya sa sofa at uminom muna bago magsalita. "Ako ba topic niyo?"

"Oo, chismosa ka kasi."

"Bakit? About ba sa inyo ni Sam?" Ngumiti pa ng nakakaloko yung chismosa.

"Oo" naglakad ako papunta sa upuan ko at pinaalis ko si Liam para ako ang makaupo.

"Well isn't it true?"

"Yeah,it's true" napatigil ang lahat sa tinuran ni Sam. Hindi din ako makapaniwala na siya mismo ang nagsabi non.

I Fell Inlove with My Secretary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon