Nasa airport silang apat ngayon. Sina Josh, Sam, Liam and Rose. Susunduin nila ang parents nila Sam and Josh.
"Ang tagal naman nilang dumating." Reklamo ni Liam.
Tiningnan naman siya ng masama ni Rose. "Kararating lang natin. Tapos mag-rereklamo ka na ang tagal nila tita." Nagagalit na Saad ni Rose.
"Sabi ko nga hindi na ako mag-rereklamo." Saad ni Liam at tumahimik na siya.
"Kayong dalawa talaga. Palagi nalang kayong nag-aaway." Bulong ni Josh.
"Natural lang yon Josh. Practice para pag mag-asawa na sila edi expert na sila sa away mag-asawa." Sagot naman ni Sam.
Nakita nila na nasa escalator na ang parents nila kaya naghanda na sila para salubungin ang mga ito.
"Mommy! Daddy!" Masayang saad ni Sam at niyakap Isa-isa ang mga magulang niya.
"Grabe ba talaga ang pagkamiss mo sa'min." Saad ng mommy niya.
"Oo Naman po, ang tagal niyong nawala." Sagot niya.
"Anong ang tagal? Ilang araw lang naman kami don." Sagot naman ng daddy niya.
"Welcome back po Tito and Tita." Mahinang saad niya sa mga magulang ni Josh. Nahihiya kasi siya eh.
"Salamat iha." Sagot ng mommy ni Josh sakanya.
"Buti naman at bumalik na kayo. Ang daming trabaho sa office dad." Saad ni Josh.
"Apat naman kayong nagtatarabaho kaya Alam ko na kaya niyong tapusin yon." Sagot ng daddy niya sakanya.
"Tsk. Ikaw talaga dad."
"Oh, nandito din pala sila Liam at Rose." Saad ng mommy ni Josh.
"Yes mom, sumama na sila sa'min to welcome you daw."
"Welcome back po sa inyong lahat." Saad ni Rose.
"Salamat." Saad ng mga parents nila Josh and Sam.
"Hindi mo ba sila I wewelcome?" Bulong ni Rose kay Liam.
"Siyempre I wewelcome ko. Maghintay ka lang kasi." Sagot ni Liam.
"Welcome back po sa inyo. Wala po ba kayong pasalubong sa'kin?" Kapagkuwan ay tanong niya.
"Aba pasalubong lang pala ang habol mo." Saad ng mommy ni Josh sabay peke na ngiti.
"Hindi naman po. Siyempre galing kayo ng ibang bansa kaya dapat may balik bayan box kayo di'ba." Depensa ni Liam.
"Eh malas ka pala. Kasi wala kaming balik bayan box." Sagot ng mommy ni Josh. Nagtawanan naman ang lahat.
Napakamot nalang sa ulo si Liam. "Tita naman eh."
"Pumunta kami don para sa trabaho hindi para mamasyal." Saad ng daddy ni Josh.
"Pero may dala talaga kaming balik bayan box. At may laman Yan." Dagdag ng daddy ni Josh.
Lumaki naman ang mga mata ni Liam na para bang Bata na sabik na sabik sa mga pagsalubong. "Talaga?!"
"Oo, Kaya wag kanang mag-reklamo diyan." Sagot ng mommy ni Josh sakanya.
"Oh, pano ba yan mauna na kami." Paalam ng daddy ni Sam.
"Sige ingat kayo." Sagot ng parents ni Josh.
"Sige." Ngumiti sila at naglakad na palabas ng airport para umuwi.
"Uwi narin tayo?" Tanong ng mommy ni Josh.
"Sige, Tara na." Kinuha ng Daddy ni Josh ang mga maleta nila. Tinulungan naman siya ng dalawa.
---
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with My Secretary
De TodoSypnosis Josh Montenegro is the Son of the Montenegro Group Of Companies he is a very cold boss halos lahat NG naging secretary Niya ay hindi nagtatagal NG isang buwan. But when Samantha Garcia his new secretary came his life has changed. Ano nga ba...