Chapter 21

1.9K 63 3
                                    

"Kaya gusto kong sabihin sa lahat ng tao dito. O di kaya sa buong mundo na girlfriend kita ay dahil ayokong maagaw ka ng iba." Saad niya na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Totoo ba ito? O binibiro niya lang ako. Pero ayon sa emotions niya, he seems to be sincere.

"Ano bang mga pinagsasasabi mo?" Tanong ko pero hindi parin nagbago ang emosyon niya. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Mas humigpit ang paghawak niya sa kamay ko. "Listen to me carefully Sam."

Tumango lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa sitwasyon ngayon."Actually matagal ko na sanang sasabihin sayo 'to..."

"Ano ba ang sasabihin mo?" Tanong ko nang pinutol niya ang sasabihin.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Then he look at me deeply into my eyes. "I love you."

I love you

Walong letra

Tatlong salita

Na nagpatigil sa pag-ikot ng mundo ko.

"Seryoso ka?"

"Oo, Samantha seryoso ako." Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras nato.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Josh..."

"It's ok Sam if you don't love me. Just let me express my feelings for you." Saad niya na lalong nagpalakas ng tibok ng puso ko.

Hinawakan ko rin ang magkabilang pisngi niya. Parang tutulo na ang luha ko. Not because that I'm sad but because I'm happy. "I love you too." Saad ko kaya natigilan din siya. Hindi makapaniwala si Josh sa sinabi ko.

"A-anong sabi mo?" Tanong niya.

Ngumiti ako. "Ang sabi ko. I love you too."

Ang hindi makapaniwala niyang mukha ay napalitan ngayon ng ngiti. "Talaga?"

"Oo,hindi ko nga alam kung bakit. Pero isa lang ang alam ko. Mahal kita." Sagot ko

"Mahal din kita Samantha. Hindi ko din alam kung bakit."

"Kailan ka ba na-fall sakin?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ko alam. Basta paggising ko Mahal na Kita." Napangit ako sa sinabi niya.

"Sabi nga nila. Kapag mahal mo ang isang tao hindi mo alam ang dahilan kung bakit mahal mo siya." Saad ko. Pero tumawa lang si Josh.

Kumunot ang noo ko. "Bakit ka tumatawa?" Tanong ko.

"Ang lalim ng hugot mo." Sagot niya.

"Binibiro mo lang ako no?!"

"Mukhang napaamin ka. Sabi ko na nga ba may gusto ka sakin eh." Saad niya.

Inirapan ko lang siya at nag-walkout ako. Napaamin ako dun ah.

Naglalakad na ako palayo sakanya pero niyakap niya ako sa likuran dahilan ng paghinto ko. "Sam, tungkol sa sinabi ko sa'yo kanina. Hindi ako nagbibiro. Mahal kita Sam."

"Oo na, paulit-ulit ka lang."

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at hinawakan niya ako sa kamay. "Kain na tayo?" Saad niya habang nakangiti.

"Actually kanina pa ako nagugutom." Sagot ko. Hinila niya naman ako papunta sa cafeteria.

---

Tahimik kaming kumakain dio pero yung mga tao tingin ng tingin samin. "Ahm... Josh" tawag ko kay Josh na busy sa kinakain niya. Magkaharap kasi kami.

I Fell Inlove with My Secretary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon