Xai's POV
Hays!
Pang-dalawamput'dalawa. Oo pang-dalawamput'dalawang beses ko nang naghihikab ngayon, lunes na lunes ewan ko ba pero tinatamad talaga ko. Hays! 15 minutes na lang at mag uuwian na pero heto ako, tunganga hinihintay magring yung bell.
Kaloka kasi, si Mrs. Mayor hindi naman nagtuturo pero ayaw pa kami palabasin. Kainis, yung tipong pag oras ng klase niya, pagkaupong-pagkaupo mo, dun ka na lang, stay put ka lang kasi hindi naman siya nagtuturo, bawal lumabas, bawal kumain at bawal mag-ingay. Yung totoo anong kala niya samin? Robot? Hello! Kung hindi lang talaga mabait si mommy at daddy matagal na siyang nasisante, madami na rin kasing nagrereklamo sa kanya, pinagbibigyan lang siya ng parents ko tsaka ng school administrator kasi magreretire na rin naman daw.
Pagdating tuloy ng exam, guessing ang peg namin. Kaloka!
Matapos kong maka-1028 na pagbibilang ng tupa, charot! Eh nagbell na rin naman. Madali ko nang naayos yung gamit ko, kasi kaninang Home Eco namin e naayos ko na, and actually hindi naman nagalaw ngayon kasi hindi nga nagtuturo yung si Mrs. Mayor.
Hindi ko na hinintay lumabas lahat ng kaklase ko kasi wala na rin naman akong hihintayin na Rachel at Rezyl dahil absent yung dalawang gaga, nagtext lang kanina na may emergency daw, at hindi rin naman ako naniniwala kasi parang sobrang co-incidence na sabay nagka"emergency" kuno sa kanila. Hays! Mga pusang-gala kasi.
Palabas na ko ng pintuan ng room namin ng may marining akong mga tilian ng mga kababaihan at kabinabaihan, jusko! At dahil 10 and a half years (oo, 10 and a half years talaga, kinder, grade 1-6 at 1-3 year at kalahating taon ng 4th year) na ako dito sa S.A, alam ko na yung dahilan kung bat nag-aalburoto na naman sila. MAY POGI, HEARTHROB, GWAPINGS, HANDSOME at kung ano-ano pang word na pwedeng idefine sa lalaking biniyayaan ng makalaglag pantyng looks.
Pwede naman na huwag na sila tumili diba? Hello, nakakahiya kaya sa part nating mga babae yung ganon. Kaya minsan akala ng boys easy to get tayo eh. Wag ganon girls, maria clara dapat ang peg natin. Tsk tsk. *iling-iling*
At dahil nga sa kung sino man yung pinagkakaguluhan na naman ng mga kababaihan na yan, ang hirap makalabas ng room. Utang na loob naman! Kung sino ka man damuho ka sa ibang lugar ka na lang at nang hindi nagkakagulo dito, ang hirap lumabas eh, naghihintay na boyf--------
"Hi babe."
Teka--------- b-boyfriend?
Napatingin kaagad ako sa lalaking nakasandal sa pader sa tapat ng classroom namin, omy! Si Adonis ba tong nakikita ko? Pwedeng tumili?
"Oo babe alam ko pogi ako. Wag mo ko tignan ng ganyan kinikilig ako."
Whatthefudge?!
Boyfriend ko nga! Anak ng bagoong naman oh oh! Si Cyrus ko na naman pala pinagkakagulahan dito, tsk tsk. Haharot uy!
Lumapit siya sakin at kinuha ang sling bag ko tsaka humalik sa pisngi ko, hehe bat ang bango ng boyfriend ko?
"Musta klase? Hindi ka naman nahirapan kay Mayora diba? Mis kita babe!" Sabi niya sabay hapit sa bewang ko. Enebe! Em se kenekeleg. Yung butterflies sa tiyan ko nagwiwiggle-wiggle na.
"Ah namiss din kita babe!" Masiglang sagot ko sa kanya sabay hawak sa braso niya. Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pag-ismid ng mga fangirls at fangays niya dahil sa ginawa ko, nagbulungan or let me say nagparinig pa nga sila. Hanep eh, pagbubulungan na lang ako rinig na ring pa. Tinde!
"Eww talaga! Ang hot hot ni Papa Blake tas dyan lang siya bumagsak? Eww!"
"Ano kayang gayuma pinainom niyan kay Papa Blake! Mangkukulam!"
BINABASA MO ANG
715 Divided By 5
Teen Fiction"I love you", "Mahal kita", "Saranghae" o kahit anong alien word pa yan, kikiligIn ka basta sa bibig ng mahal mo nanggaling. LOVE? Ano nga ba yung love? Eto ba yung matutulog ka na lang maglalaan ka pa ng oras para i-stalk yung facebook niya? Eto ba...