Barkada

266 12 4
  • Dedicated kay Wilan Nathaniel Delos Reyes
                                    

Xai's POV

Nandito kaming anim ngayon sa rooftop ng school. Ako, si Cyrus ko, Rezyl, Rachel, Mico at si Gabrielle.

Ang mga walang hiya, kasabwat pala ni Cyrus ko kaya MIA (Missing in Action) kanina.

Tapos malaman-laman ko pa, si Mico at Gab pala yung kumaladkad sa akin kanina.

Lasunin ko kaya to'ng mga to? Ay wag Xairine. Bad yon, kinilig ka naman kanina eh.

Sabagay.

Naglatag lang kami ng picnic mat, tapos hinanda ko na yung mga niluto ko para sa surprise ko sana kay Cyrus ko kaso nga, ako na naman na-surprise niya.

Nagluto lang ako ng kare-kare, adobo tapos gumawa ako ng graham. And syempre mawawala ba naman yung favorite ng babe ko?

My Specialty *drum rolls* oh so yummy Caldereta!!XD

Tenennnnn!

Kainan naaaaa.

"Wow! Pagkain. Kainan naaaaa!" Nagniningning pa yung matang sabi ni Mico.

Akmang kukuha na siya ng Caldereta ng harangin ni Cyrus ko yung kamay niya.

Tinignan muna siya ni Cyrus ko ng masama sabay sabi'ng, "Off-limit yan tol. Kung ayaw mo'ng magkasakitan tayo iba na lang lamunin mo."

Hindi pala sabi, pagbabanta pala tawag dun. HAHA.

"Bakit naman tol? Kala ko ba salo-salo? Eh bakit parang ayaw niyo naman yata ako'ng pakainin?" Nakapout pa na sabi ni Mico. Psh. Acute.

"Sorry Mics, favorite kasi ni Cyrus ko yun eh, tsaka talagang para sa kanya lang yun. Iba na lang kainin mo. Madami pa'ng ibang putahe." Nakangiting paliwanag ko sa kanya.

"Napaka-PG kasi." Bulong ni Rezyl na nasa tabi ko. Gaga talaga.

"ANONG BINUBULONG-BULONG MO DYAN? HA YOBAB?!" Galit na sigaw ni Mico.

Patay, narinig. At ano yun? Yobab daw? Gera.

"Sabi ko po------- PATAY GUTOM ka." Sagot naman ni Rezyl na idiniin pa talaga yung word na "Patay gutom". With matching sarcastic smile.

"Aba't------" Gigil na sabi na naman ni Mics, pero bago pa siya matapos, pumagitna na sa kanila si Gab.

"O awat na, baka mamaya kayo pa magkatuluyan."

Teka, awat ba talaga ginagawa non? O nangbwisit lang?

"Oo nga bessy, bagay kayo." Segunda pa ni Rachel. Tignan mo to'ng babaeng to, dumagdag pa.

715 Divided By 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon