REABELLE POV
"MAG-iingat ka doon anak ha?" saad ni mama sabay yakap, nandito kami ngayon sa Airport dahil pupunta ako sa South Korea.
"Tama ang mama mo anak, wala kami roon para bantayan ka." saad naman ni papa na parang iiyak na at hawak hawak pa ang kamay ko, jusko naman dinaig n'ya pa si mama.
"Opo ma, pa huwag ho kayong mag-alala iingatan ko po ang aking sarili para sa inyo, nandoon naman po sila auntie at uncle para bantayan at alagaan ako 'di ba po?" Sabi ko
"Kahit na andoon sila auntie at uncle mag-iingat ka pa rin, alam mo naman na ngayon ka lang mawawala ng matagal at malayo sa 'min 'di ba?" sabi naman ni ate.
Hayst tama si ate ngayon lang ako mawawala sa kanila ng matagal at malayo.
Btw, ipakikilala ko lang ang mother, father and sister ko sa inyo. My mama's name is Rose Marteja-Campos, while my papa's name is Rener Campos lastly my sister's name is Reynalene M. Campos.
"Bessy! Bakit ba kasi kailangan mo pa sa South Korea mag-aral? huhu" sigaw ng kaibigan ko habang umiiyak at tumatakbo papalapit sa 'kin sabay yakap.Hayst 'tong babaeng 'to talaga napaka iyakin.
"'Wag ka ng umiyak d'yan Claire, walang magagawa 'yang iyak mo, kahit umiyak ka ng dugo at bumaha pa luha mo rito kakaiyak tutuloy at tutuloy pa rin 'yang kaibigan natin pumunta sa korea." Seryoso na may halong tampo na pagkasabi ni Andrea.
"Hayst! 'Wag na kasi kayong magtampo, kahit naman nasa ibang bansa na ako 'di ko kayo kalilimutan." nakangiti kong sabi pero naiiyak na rin talaga ako.
"Bakit ba kasi kailangan mo pang umalis? hanggang ngayon 'di mo pa rin sinasagot 'yung tanong ko!" Malungkot na tanong at sabi ni Claire.
"Oo nga Rea, biglaan 'yung pag-alis mo, diba nagpromise tayo sa isa't isa na kailangan 'pag mag mag se-senior high tayo pare parehas tayo ng school na papasukan pati nga sa pag college e, pero aalis ka at 'di tutuparin 'yung promise natin sa isa't isa." saad ni Andrea "May kasabihan nga tayo 'Promises are meant to be broken'." dugtong pa nito.
Napatingin naman ako sa pamilya ko, sila lang kasi ang nakakaalam kung bakit ako sa South Korea mag-aaral. Ang alam kasi ng mga kaibigan ko na kinuha lang ako ng auntie at uncle ko dahil mas maganda ang magiging career ko kung sa Korea ako mag-aaral.
~FLASHBACK~
"Mag-break na tayo, you lie to me! Naging kabit ako ng hindi ko alam. Ang kapal mo hayop ka James, I hate you!" Galit kong sabi sa boyfriend ko ay mali sa ex boyfriend ko na si James.
"Look, love ikaw lang ang mahal ko pinagkasundo lang ako ng mommy ko kay Cindy kaya ko s'ya naging fiancé, but I didn't love her so please forgive me! Hindi ko rin alam na pupunta s'ya doon sa birthday ko at ipakikilala na s'ya ni mom na s'ya ang fiancé ko, Give me a second chance! Please!" Umiiyak na sabi ni James.
Napaiwas naman ako ng tingin dahil naaawa ako sa kanya I love him kaya makita ko lang s'yang nasasaktan, nasasaktan na rin ako yes oo! marupok ako pag dating sa kan'ya wala e mahal ko e, but this time hindi na ako magpapakatanga sa kan'ya. Tama na 'yung nagmukha akong tanga sa mga bisita n'ya matapos n'ya 'kong ipakilala sa mga bisita nya isa-isa tapos bigla na lang magpapakilala ang mom n'ya na may fiancé na s'ya at ikakasal na sila next year. Fuck him!

BINABASA MO ANG
I'm inlove with the Mafia Boss who bullied me.
RandomJake is a Mafia boss, a mafia boss na may pagka-isip bata. He is also spoiled. But sometimes he is mature especially when he is going to fight. While Reabelle is a cheerful woman, but sometimes fond of fighting. Until they met. And the war has begu...