REABELLE POV
"KUMAIN ka ng marami pamangkin, alam kong gutom na gutom kana at ng makapagpahinga kana rin dahil ang haba ng byahe mo sigurado akong pagod ka." Sabi ni auntie
"Sige po auntie, salamat po." Nakangiti kong sabi
"Btw, pamangkin nakahanap na kami ng school mo malapit lang ito sa bahay natin at dahil hindi ka pa marunong mag salita ng korean language, sa school ka muna na puro mga half-half." Sabi ni tito
"Po? Half-half? Manananggal po ba sila?" Inosente kong tanong, natawa naman sila auntie at uncle sa tinanong ko, ano namang nakakatawa roon e hindi ko naman talaga alam.
"Hindi pamangkin, half-half means half yung lahi nila for example half Korean half Filipino. Gano'n lang talaga tawag namin sa school na 'yon." natatawang sabi ni auntie
"Ahh, ganon po ba." sabi ko "P'wede po ba ako roon, auntie?" Dugtong na tanong ko kela auntie at uncle
"P'wedeng pwede ka doon. Mas marami lang talaga 'yung mga half doon kaysa pure." Sabi ni uncle "Bukas kami na ng auntie mo ang mag-e-enroll sa 'yo para makapagpahinga ka ng mahaba." Dugtong ni uncle
"Hindi na po Uncle." Sabi ko
"Naku! Kung nahihiya ka sa amin, huwag! sige na kami na ang mag-eenroll sa'yo." Sabi ni auntie
"Isa po 'yun sa dahilan, nahihiya po ako sa inyo kasi imbes wala kayong babantayan at aalagan bigla tuloy kayo nagkaroon ng obligasyon." Sabi ko
"Haynako bata ka, tuwang tuwa nga ako nung dito ka mag-aaral kasi kahit papano mararanasan ko mag-alaga ng bata ay mali ng dalaga pala hahaha!" Sabi ni auntie na tuwang tuwa
"Ako na po auntie, uncle para po malibot ko na rin po 'yung school na papasukan ko para sa first day of school ko po hindi po ako maliligaw." Pagpapaliwanag ko
Nagtinginan naman sila auntie at uncle na parang nag-uusap gamit ang mga mata.
"No, ihahatid ka namin at sasama kami sa iyo hindi pwe-pwedeng mag-isa ka lang na pumunta roon." Sabi ni auntie ng bumaling na ito sa akin.
Wala na akong nagawa at umoo na lang.
"Ahm, 'yung motor ko po ba kailan po darating 'yon?" tanong ko habang naglalakad papuntang upuan ko
"Ahm, med'yo matatagalan pa pamangkin e kasi yung plate number ng motor mo pang Pilipinas pa."mababang tono na sabi ni auntie
"Ay gano'n po ba? Sa tingin n'yo po ba kailan ko po makukuha yun?" malungkot na tanong ko kela auntie at uncle
"Ah sa tingin ko mga 6 months pa e." Sabi ni auntie
"po? s-six months?" 'di makapaniwalang tanong ko sa kanila
"oo pamangkin, pero don't worry hindi ko paaabutin ng 6 months." Sabi ni uncle
"Yes Belle, hindi namin paabutin ng six months, sa pasukan mo 1 week ka lang namin mahahatid sundo at sa 2nd week ng pasukan n'yo magagamit mo na ang motor mo." Masayang sabi ni auntie
"t-talaga po?" 'di makapaniwalang tanong ko "p-pano po ninyo gagawin yun?" Dugtong ko
"May kaibigan kasi ako na nag-aayos ng mga gano'n, hindi ka pa dumarating pinaayos ko na 'yun para magamit mo agad, busy kasi kami sa work kaya 1week ka lang namin mahahatid sundo kaya pinagawa ko na agad." saad ni uncle
"Maraming salamat Auntie, uncle the best talaga kayo!" Masayang sabi ko
"Oh sya dalian mo na r'yan at ng makapagpahinga ka dahil maaga pa tayo bukas."nakangiting sabi ni auntie.

BINABASA MO ANG
I'm inlove with the Mafia Boss who bullied me.
RandomJake is a Mafia boss, a mafia boss na may pagka-isip bata. He is also spoiled. But sometimes he is mature especially when he is going to fight. While Reabelle is a cheerful woman, but sometimes fond of fighting. Until they met. And the war has begu...