CHAPTER 2

12 2 0
                                    

REABELLE POV

Nandito na ako sa airport ng korea, finally! nakapunta na rin ako rito! I'm a big Kpop fan! Hehe.

RRIINNGG RRIINNGG~

Kinuha ko agad 'yung cellphone ko at nakita ko ang name ng caller, biglang uminit ang dugo ko ng makita ko 'yung name n'ya and at the same time bigla akong nakaramdam ng sakit. Hindi ko ito sinagot. Pero kahit paulit ulit kong nirereject 'yung tawag n'ya patuloy pa rin s'ya sa pagtawag, pero tumigil na ulit s'ya naubos na siguro 'yung load.

Ang auntie at uncle ko ang susundo sa akin, si auntie Grace Marteja at ang uncle ko na asawa n'ya si uncle Gabriel Marteja. Auntie at uncle ko sila sa side ni mama, ang kapatid ni mama si uncle Gab, kuya n'ya ito.

Naglalakad lakad ako ngayon dahil hanggang ngayon 'di ko pa rin mahanap sila auntie at uncle ng biglang may tumawag, hindi ko tiningnan 'yung name ng caller kasi akala ko si Jameson pa rin 'yung tumatawag.

"Ano ba?! Hindi mo ba talaga ako tatantanan?! 'Di ba sinabi ko na sa'yo na tantanan mo na ako!! Tapos na tayo!" Sigaw ko sa telepono sabay end pero nagtaka ako ng makita ko 'yung number, number lang s'ya hindi ito yung number ni Jameson, watdapak! sino kaya 'yun? Ah alam ko na baka ibang number 'yung ginagamit ni Jameson para sagutin ko 'yung tawag, ang taba talaga ng utak ng lalaking 'yon.

RRIINNGG RRIINNGG~

"Aba't tumawag ka na naman! Gumamit ka pa ng ibang number para lang makausap ako huh?!" Sigaw ko sa telepono at tiningnan ko yung number, hala wait bakit hindi pang Pilipinas na number 'to?

Dahan dahan kong binalik ang telepono sa aking tenga.

"Sino ba kaaway mo pamangkin?" Sabi sa kabilang linya. WHAT THE HECK! si auntie pala 'yung tumawag at s'ya rin yung nasigawan ko kanina

"A-auntie, k-kayo po pala 'yun, b-bakit hindi n'yo p-po agad sinabi?" nahihiya kong tanong

"Paano ko naman agad masasabi na ako ito ang auntie mo kung bigla mo na lang ako sinigawan at hindi mo man lang ako binigyan ng chance para makapagsalita, Aber?" Mataray pero natatawang sabi sa akin ni auntie at naririnig ko rin yung tawa ni uncle, hayst nakakahiya.

"Sorry po auntie, uncle." Nahihiya ko pa ring sabi

"It's ok my niece." Saad nito.

" Nasaan ka na b-" "Pamangkin!" Naputol ang tanong ni auntie ng biglang sumigaw si uncle nakita na n'ya pala ako, inend ko na yung call tsaka patakbong pumunta sa kanila habang hila hila ko 'yung malalaki kong maleta.

"Auntie! Uncle!" Malakas ko sigaw sabay yakap sa kanila.

I'm inlove with the Mafia Boss who bullied me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon