Chapter 9: Real Feelings

35 3 2
                                    

Araw na ng Sabado at nagtungo nga sina Gab at Garrett sa taniman nina Cameron malapit sa ilog ng Valdefuente. Natagpuan nilang nagpapahinga sa isang kubo si Mauricia na ina ni Cam. Agad silang lumapit sa ginang at binati nila ito ng magandang umaga. "Ikaw si Gab, 'di ba? Nabanggit na sa akin ng anak ko na magpapaturo ka sa akin kung paano gumawa ng vegetable cake!" bungad ni Mauricia. "Opo, kung okey lang po sa inyo?!" tugon ni Gab. "Okey na okey! Ituturo ko sa 'yo ang paggawa ng Choco Ampalaya Delight Cake!" masayang pahayag ng ginang. "Ampalaya? 'Di po ba bitter ang ampalaya? Masarap po ba yung sinasabi ninyong cake?" tanong ni Garrett. "Ang ampalaya na main ingredient ng chocolate cake na ginagawa ko ay mayroong iba't ibang phytochemicals na nagpapababa sa blood sugar natin at nakakatulong din ang ampalaya upang maiwasan natin ang anumang uri ng cancer. Lalagyan natin ang ampalaya cake ng stevia na isang natural zero calorie sweetener na nakakapagpababa rin ng blood sugar at magdadagdag din tayo ng coco sugar na merong low glycemic index. Sobrang healthy ng cake na 'to!" mahabang paliwanag ni Mauricia. "Masarap na nga, healthy pa!" nakangiting wika ni Gab. "Saka ang tamis ng kaligayahan ay mas mararamdaman mo kapag naranasan mo ang pait ng pag-ibig!" pahayag ng ginang. "Ang lalim naman po ng pinaghuhugutan ng cake ninyo!" biro ni Garrett. "Meron kasi akong kwento sa likod ng Choco Ampalaya Delight Cake!" wika ng ginang. "Kung ayos lang po sa inyo, pwede n'yo po bang ibahagi sa amin ang kwento? Sa tingin ko po kasi, magagawa ko nang maayos ang Choco Ampalaya Delight Cake kung alam ko ang dahilan kung bakit n'yo ito naimbento. Handa po kaming makinig!" seryosong pahayag ni Gab. Sinimulan na ni Mauricia ang pagsasalaysay, "Nagselos ako noon kay Osang na may gusto sa kasintahan kong si Caloy. Nalaman ko na nagpunta si Caloy sa bahay nina Osang. Naging ugat iyon ng aming paghihiwalay ni Caloy kahit pa ipinaliwanag niya sa akin ang totoo. Alam ko rin na gagawin lahat ni Osang para lang magustuhan siya ni Caloy kaya lalo akong nagalit. Ginusto kong pagselosin si Caloy kaya't humingi ako ng tulong sa kaibigan kong si Patricio. Nagselos si Caloy sa amin ngunit sa halip na ako'y suyuin ay naging madalas pa ang pagpunta niya sa bahay nila Osang na labis kong ikinalungkot. Isang hapon na malakas ang ulan at bumabagyo ay nasira ang Balite Dam sa may ilog ng Sapang na di-kalayuan sa aming tinitirhan. Mataas na ang tubig noong palikas na kami ng bahay nang bumalik ako upang balikan ang mga naiwang mahahalagang bagay. Habang palabas na ako ng bahay ay biglang nasira na ng tuluyan ang aming bahay at inanod na ng tubig kasama ang bahay ng aming kapitbahay. Mula doon ay tinangay ako ng tubig. Binaybay ko ang ilog at inakalang malapit nang magwakas ang aking buhay kung saan naisip ko ang kasintahan kong si Caloy kung maayos kaya ang lagay nito. Nagising ako sa may baybay na hindi ko alam kung saan at naisip ko kung ano ang maaaring mangyari sa akin, kung meron bang magliligtas sa akin. Sa di-kalayuan ay may naaninag akong isang lalaki sa balsa na palapit sa akin. Laking tuwa ko nang makita ko si Caloy na buong gabi akong hinanap. Nagkabati na kaming dalawa. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla na lang akong napaiyak. Nabatid namin na nasa ilalim kami ng General Luna Bridge at doon ay natunton namin ang taniman ng ampalaya ni Mang Cristobal. Pinatuloy kami ni Mang Cristobal sa kanyang kubo hanggang sa tumigil na ang bagyo. Nang pumanaw si Mang Cristobal ay ipinamana nito sa amin ang kanyang taniman ng ampalaya. Nagpakasal kami ni Caloy at namuhay kami sa taniman ng ampalaya malapit sa ilog ng Valdefuente. Gamit ang perang kinikita namin sa taniman, natapos ko ang 9 months Advanced Diploma in Pastry Arts. Isa naman ang paggawa ng chocolate cake sa libreng food service na itinuro sa akin ng Philippine Technology and Livelihood Resource Center. Naisipan kong pagsamahin ang ampalaya at tsokolate sa cake dahil ang buhay ko ay may pait ngunit nabalutan ng tamis ng pag-iibigan namin ni Caloy!" Labis na nagalak sina Garrett at Gab sa narinig na kuwento. Matapos isalaysay ang kuwento sa likod ng Choco Ampalaya Delight Cake ay itinuro na ni Mauricia kay Gab ang mga hakbang sa paggawa ng naturang cake. Seryoso namang nakamasid sa kanila si Garrett. Madaling natutunan ng dalaga ang paggawa ng Choco Ampalaya Delight Cake dahil inspired siya sa narinig na kuwento. Nagpaalam sina Garrett at Gab kay Aling Mauricia nang makapananghali na. Labis ang pasasalamat nila sa ginang dahil hindi lang sila natutong gumawa ng cake, bagkus ay nalaman din nila na walang magandang naidudulot ang selos. Nasira ang relasyon nina Mauricia at Caloy dahil sa selos na kung nakinig lamang ang babae sa lalaki ay hindi na sana sila nagkatampuhan. Nabatid din nila na sa oras ng kamatayan ay maiisip mo ang mga bagay na mahalaga sa 'yo.

Bonifacio Day na. Magaganap na ang annual cake contest ng Maid in Heaven Café. Medyo kinakabahan si Gab ngunit naisip niya ang lahat ng ginawa niyang paghahanda para sa naturang kompetisyon. Inutusan sila ng contest coordinator na bigyan ng Japanese name ang cake na gagawin nila. Mabuti na lang at nag-research si Gab ng Japanese words and phrases. Nang matapos niya nang lagyan ng disenyo ang kaniyang cake ay pinangalanan niya itong "Honto no Kimochi" na ang ibig sabihin sa English ay "Real Feelings" dahil ang pait at tamis aniya ay tunay na nararamdaman ng lahat ng taong umiibig. Inihilera sa harap ng tatlong judges ang cakes ng contestants. Bukod sa Honto no Kimochi ni Gab ay kasali rin ang Tengoku ni Ichiban Chikai Natsu o The Summer Closest to Heaven ni Jolens na watermelon cake. Kalahok din ang Kisu to Koi to Ōji-sama (A Kiss, Love, and a Prince) na peach mango cake ng maid-waitress na si Filomena at ang Kuchibiru ni Cherii (Cherries for Your Lips) na cherry macapuno cake ng guard-waiter na si Ryle. Sa bandang huli ay itinanghal na champion si Gab dahil sa uniqueness at lasa ng ginawa niyang cake. Teary-eyed siya nang iabot sa kaniya ang scholarship mula sa Nishida School of Bread and Pastry Production. Hindi niya inasahan ang biglang pagsulpot ni Garrett sa tabi niya. Masama naman ang tingin ni Jolens dito. Bumulong kay Gab ang binata, "Ang real feelings ay hindi dapat itinatago. Magpakatotoo ka!" Biglang niyakap ni Gab ang binata at hinalikan ito sa pisngi. Hindi niya na ininda ang sasabihin ng kapatid na kanina pa nandidilim ang paningin kay Garrett. Mahinahon siyang bumulong sa binata, "Nagpapanggap akong malakas pero para talaga akong bata. Duwag. Mahina. Maraming kinatatakutan. Mula nang makilala kita, nagbago ang lahat!"

The Bad Girl's KryptoniteWhere stories live. Discover now