Chapter 11: He's Dating the Maid

24 3 1
                                    

Ika-5 na ng Disyembre. Syempre, abala na ang mga guro at mga mag-aaral ng KJ High sa paglalagay ng Christmas decors sa kani-kanilang classrooms. Abala rin ang KJHS Student Council sa pinaplano nilang Christmas Ball. May mga estudyanteng nagpa-practice ng cotillion. May mga estudyanteng hindi excited sa Christmas Ball dahil ang kanilang themesong ay Single Bells. Isa na doon si Goya na abala sa paglalagay ng parol sa kanilang classroom. "Parol ka ba?" tanong ni Brixter sa kaniya. "Bakit?" balik-tanong ni Goya. "Kasi all these years, ikaw pa rin ang nakasabit sa puso ko!" sagot ng binata. "Ang baduy mo talaga! Mas gugustuhin ko pang maging single kesa pumatol ako sa kagaya mong mukhang adik!" pang-aasar ng dalaga. "Ang hard mo naman sa akin. Bahala ka. Malungkot maging single tapos malamig ang Pasko mo!" nakangising bwelta ng lalaki. "Bakit ako malulungkot sa pagiging single na malamig ang Pasko kung marami namang taken na gusto ako?!" pagyayabang ni Goya. "Yabang mo ha! Ano bang height mo?" wika ni Brixter na ayaw tumigil sa pangungulit kay Goya. "Pwede bang tigilan mo na 'ko? Anong pakialam mo sa height ko?" pahayag ni Goya na nababanas na sa binata. "Magpapagawa sana ako ng medyas na kasinlaki mo para malaman ni Santa na ikaw ang gusto kong regalo ngayong Pasko!" banat ng lalaki. "Kanina ka pang unggoy ka! Paano ba kita mapapatigil sa kabaliwan mo?" paninita ng dalaga. "Titigil ako kung bibigyan mo ako ng picture mo!" sagot ni Brixter. "Neknek mo! Manigas ka! Baka gayumahin mo pa 'ko!" wika ni Goya. "Pwede bang makahingi ng picture mo? Para maibigay ko na kay Santa Claus yung wish ko at maibigay ka na niya!" masayang pahayag ng binata. Magwo-walk-out na sana si Goya, kaso ay nilapitan sila ni Gab. "Ano ba naman kayo?! Magpapasko na pero aso't pusa pa rin kayo. Kukuhanin ko pa naman kayong mag-cotillion kasi nag-drop na sina Girlie at Rodboy. Kayo sana ang ipapalit ko tutal mukha naman kayong nakalunok ng kwitis!" nakangiting sambit ni Gab. "Kwitis?" sabay na tanong ng dalawa na halatang nagtataka. "Kapag magkasama kasi kayo, may spark!" natutuwang sagot ni Gab. Tumawa nang malakas si Brixter. Tinuloy naman ni Goya ang pagwo-walk-out pero hinatak niya palabas ng classroom ang kaibigang si Gab. "Besh, may sorpresa ako sa 'yo!" wika ni Goya habang hinahatak si Gab patungo sa Industrial Arts Room. Nadatnan nila doon ang binatang si Garrett. Dali-daling umalis si Goya para bigyan ng moment ang dalawa.

Si Garrett ay nakatayo sa tabi ng isang malaking Christmas tree at may hawak na isang pares ng medyas na may nakasulat na "Christmas won't be the same without you." Iniabot niya sa babae ang kapares ng medyas. Hindi maitago ni Gab ang kilig na nararamdaman. "Alam mo ba noong bata ako naniniwala ako sa pagsasabit ng medyas tuwing Pasko!" bungad ng lalaki. "Talaga? Bakit naman?" tanong ng babae. "Oo, naniniwala ako kasi noon gusto ko ng laruan tapos paggising ko may laman ng laruan yung medyas ko. Tapos nung isa pa, sapatos naman. Paggising ko ulit, meron na. Kaya lang ngayon, mukhang mahihirapan ako magsabit ng medyas!" paliwanag ng binata. "Bakit naman?" muling tanong ng dalaga. "Wala kasing medyas na kasinlaki mo eh, para paggising ko sa akin ka na!" banat ni Garrett. "Haha... Parang narinig ko na 'yan!" tugon ni Gab. "Akala ko pa naman kikiligin ka. O sige, anong gusto mong gift this Christmas?" tanong ng binata. "Relo!" sagot ng dalaga. "May relo ka pa naman ah!" wika ni Garrett. "Eh kasi sinira mo relo ko eh!" tugon ni Gab. "Huh? Paano ko sinira?" tanong ng lalaki. "Tuwing kasama kasi kita tumitigil ang oras ko!" sambit ng dalaga. "Bumabanat ka na rin d'yan ha!" wika ni Garrett sabay akbay sa dalaga. "Idol kasi kita!" tugon ng babae sabay alis ng braso ni Garrett sa kaniyang balikat. "Teka, anong gagawin mo this Christmas?" usisa ng binata. "Wala naman. Party lang. Ikaw?" tugon ng dalaga. "Ganun pa rin. Mamahalin ka!" nagpapa-cute na pahayag ng binata.

Paglabas nina Gab at Garrett sa Industrial Arts Room ay nabatid nila na masama ang tingin sa kanila ng mga estudyanteng nakamasid sa kanila. Ang iba ay pabulong-bulong pa. Ang iba naman ay itinuturo pa sila. Pinagpatuloy nila ang paglalakad. Napansin nila na maraming mga estudyante ang nakatayo sa tapat ng Student Council bulletin board. Sinubukan nilang makiusyoso at nakita nila ang malaking paskil na nakadikit sa dakong itaas ng bulletin board. "He's Dating the Maid!" ang nabasa nilang nakalagay sa paskil. Naroon din ang mga larawan ni Gab na nakasuot ng uniporme ng katulong. May nakasulat ding "The Poor Maid Loves the Rich Prince" na nakapagpabigat ng damdamin ni Gab. Kusang tumulo ang luha sa mga mata ng dalaga. Dali-dali siyang tumakbo palayo sa bulletin board at nakasunod naman sa kaniya si Garrett. Hiniling niya sa binata na hayaan muna siyang mapag-isa. Sumunod naman si Garrett sa kahilingan ng dalaga dahil batid niya na kailangan muna ni Gab ng personal space.

The Bad Girl's KryptoniteWhere stories live. Discover now