Chapter 4: From Enemy to Friend

40 4 2
                                    

Naging regular customer na si Garrett sa Maid in Heaven Café. Mag-iisang buwan na silang nagpapanggap ni Gab na mag-on sa school. Simula nang magpanggap sila ay nabawasan na ang kaso ng bullying sa KJ High. Nagkaayos na rin sina Garrett, Hanz at Hendrix. Ipinaalam na rin ni Garrett sa dalawa ang pagpapanggap nila ni Gab, pati ang pagtatrabaho ng babae sa Maid in Heaven Café. Sa halip na ipahiya o ipagkalat ang lihim ni Gab ay naging avid fans pa sina Hanz at Hendrix ng dalaga. Naging madalas na rin silang dalawa sa Maid in Heaven Café.

National Heroes Day na. Ibig sabihin ay celebration na rin ng Friendship Day sa Maid in Heaven Café. As expected, nakidalo ang Clever Trio. Nagkaroon ng simpleng programa sa loob ng naturang café. Ang tema ng programa ay ang quotation ni Martin Luther King, Jr. na "Love is the only force capable of transforming an enemy into a friend." Lumingon si Gab sa kaibigang si Garrett at nagwika, "Thank you!" Ikinunot ng binata ang noo at nagtanong, "For what?" Mabilis na sumagot ang dalaga, "To transform an enemy into a friend requires one person to step forward and initiate the change!" Isang matamis na ngiti ang iginawad ni Garrett kay Gab. Nagulat ang dalaga dahil nagkaroon na ng emosyon ang walang ekspresyon na mukha ng binata. "Bakit wala yung ate mo?" tanong ni Garrett kay Gab. "Busy siya at may tinatapos na school project!" sagot ng dalaga. "Sayang naman! Gusto ko pa naman siyang makilala. Sa tuwing pumupunta kasi ako dito sa café, hindi ko man lang siya naaabutan. Tapos ngayon, hindi pa siya naka-attend!" malungkot na sambit ng binata. "Dont worry, marami pang chance para magkakilala kayo ni Manang!" nakangiting wika ni Gab.

Sa nasabing programa, may speakers na nagbahagi ng mga kuwento tungkol sa pagkakaibigan. Isa sa mga speakers ay ang sikat na artistang si Sumner Alonte. Nakinig nang mabuti sa kaniya ang mga dumalo sa Friendship Day. "Marami na akong nabasang love stories at napanood na romantic movies na nagkahulugan ng loob ang dalawang magkaibigan. Hindi naman kasi maiiwasan na magkahulugan ng loob kung lagi kayong magkasama, kung lagi kayong nagkikita, kung laging kakuwentuhan mo siya kahit magdamagan pa. Halos lahat ng kuwento sa buhay at mga sikreto ay alam ng bawat isa. Sobrang close kayo. Daig pa ninyo ang tunay na magkapatid kung mag-alala sa isa't isa. Sa kabilang banda, ang taguan ng feelings ng magkaibigan ay isang laro ng mga taong nagmamahal na takot na ilantad ang totoong nararamdaman. Isa itong laro na napakalabo kasi hindi ninyo alam kung kailan matatapos ang laro na inyong sinimulan. At higit sa lahat, ito ay isang laro na hindi naman ninyo alam kung sino ang taya sa inyong dalawa. Halata namang gusto at mahal ninyo ang isa't isa. Bakit kasi kailangan pang pahirapan ang mga sarili ninyo? Nagmumukha lang kayong tanga. Sabagay, ako rin at ang kaibigan kong si Celestine ay naglaro ng taguan ng feelings. Yun nga lang, after naming masaktan sa aminan ay nagkaayos din kami! Meron namang magkaibigan na nagpapanggap na mag-on tapos hindi sinasadyang ma-fall sa isa't isa..." pahayag ni Sumner.

Hindi pa natatapos ang speech ng special guest ay lumabas na si Gab. Hindi na niya gustong mapakinggan ang pahayag ng speaker tungkol sa kaibigang na-fall habang nagpapanggap na mag-on. Pumunta siya sa tapat ng punong akasya. Lingid sa kaniyang kaalaman ay nasundan pala siya ng kaibigang si Garrett. "Bakit ka lumabas?" tanong nito. Hindi kumibo ang dalaga. Nabatid ni Garrett na lumabas ito dahil sa mga narinig sa speech. "Pagod ka na ba sa laro natin? Pagod ka na ba sa taguan ng feelings natin?" malumanay na turan ng lalaki. "Leave me alone!" utos ng babae. "Kahapon, friends tayo. Ngayon, friends pa rin tayo. Bukas, syempre friends pa rin tayo. Pati sa dreams ko, friends lang din tayo. Badtrip, puro na lang friends! Kailan ba pwedeng maging tayo?" pahayag ni Garrett na ikinabigla ni Gab. "Hindi kita lubusang kakilala kaya hindi pwede! Masyadong mabilis para sabihin mo 'yan. Bata pa tayo. Hindi tayo pwede!" umiiwas na tugon ng babae. "Minsan, pinipilit nating turuan ang puso. Bawal ito, bawal 'yan. Tama ito, tama 'yan. Kaso naisip ko, may sariling isip ang puso at may sariling puso ang isip. 'Yan ang hahawak at magpapagalaw sa buhay mo, tama man o mali, bawal man o hindi!" pahayag ng binata. "Kaibigan kita kaya dapat ingatan mo ako. Kaibigan kita kaya kailangan lagi kang nand'yan. Kaibigan kita kaya dapat mahal mo ako. Kaibigan kita kaya dapat tulungan mo akong isipin na kaibigan lang kita!" malungkot na tugon ng dalaga bago lumakad palayo sa kaniyang frenemy na natutunan na niyang mahalin.

The Bad Girl's KryptoniteWhere stories live. Discover now