Kabanata Tatlo

179 8 2
                                    

Nasa biyahe kami ni Ivy ngayon pauwi sa kanila, sabi kasi nang kanyang mga magulang ay kailangan naming umuwi roon.

Wala naman kaming magagawa kundi sundin ang kagustuhan nila at nilalamon na rin naman ako ng aking curiosidad kung anong pakay ng mga aswang na iyon sa akin lalo na ang misteryosong lalaki.

“Yna ayos ka lang ba?”

Bati sa akin ni Ivy tumango lang ako sa kanya at muling tumingin sa bintana ng sinasakyan naming bus. Nasa kalaliman ako ng pag-iisip ng mapansin ko na parang may mga nakatingin sa akin na nag kukubli sa mga punong dinaraanan namin.

“Psh” mahinang usal ko.

Malamang sa malamang ay ang mga aswang nanaman ito, at tinitiyak nilang babalik kami sa kanilang baranggay.

Gumulo pa lalo sa isipan ko ang mga sinabi ng tatay ni Ivy, nasa pagbalik namin ay malalaman ko na ang kanilang kondisyones o ang kondisyones ni Mang Bernie noong unang beses kong pagpunta roon.

Lumipas ang ilang oras ay napansin kong nakapasok na kami sa lalawigan nila Ivy, pero biglang huminto ng malakas ang Bus at muntik na akong mauntog sa unahang upuan.

“Ano ba naman yan manong!! Dahan-dahan naman may bata” angal ng ilang mga pasaherong kasama namin sa bus.

“P-pasensya na po ahh ano, may tumawid na itim na asong Malaki. Na-nagulat po ako”

napatalaktak lang ang ibang mga pasahero sa sinagot ni manong driver at ako naman ay tumingin na lamang muli sa bintana at muling pinagmasadan ang mga tanawing makikita mula rito.

Di rin naman nag tagal pinatakbo na ulit ni manong driver ang bus nang biglang may nagsalita sa likuran ng aming upuan.

“lintek nay an! sabing wag mangielem eh. Kahit kalian talaga ang mga matatanda di marunong makinig” naiinis na wika nito.

Nagkatingin naman kaming dalawa ni Ivy, dahil sa pagkakatanda naming dalawa ay wala namang nakaupo sa likuran namin at bakante ito.

Nasa bandang likod na kami ngunit may dalawang row pa sa likod naming bago ang pinaka huling upuan saka dahil ordinaryong bus lamang ito at hindi napuno dahil takot na rin sumakay ang mga tao rito dahil madali raw mapasok kung saka-sakali nang mga aswang.

Napabalita na rin kasi na may mga aswang sa nasabing lugar kaya ang mga taong pabyahe o mag byayahe pa lamang na madadaanan ang lalawigan na ito particular na ang malapit kanila Ivy ay takot sumakay sa mga ordinaryong bus.

Pag kasi aircon ang bus, nakababa lagi ang mga bintana nun at hindi pakarag karag ang sasakyan kaya imposbleng may masamang loob ang makakakapasok doon.

Maya-maya pa ay napatingil ulit kami ni Ivy nang muling mag salita ang lalaking nasa likuran.

“Maligayang pagbabalik, magandang binibini”

pagkasabi nyang noon ay tumayo agad ako at balak tignan kung kanino ang tinig na nangagaling sa likuran ngunit para akong binuhusan nang kung ano nang makita kong wala naman katao-tao sa likuran naming.

Kaya muli kaming nagkatinginan ni Ivy at parehas nangusap ang aming mga mata mukhang alam na namin sino ang lalaking nagsalita sa likuran ng aming upuan.

Bumalik na ako sa pagkakaupo at nag intay na lamang nang mga ilang minuto, dahil malapit na rin naman ang bus sa bukana nang baranggay nila Ivy.

“Para po” sigaw ni Ivy. Nagkatinginan ang driver at ang konduktor, sabay nag bulungan naman ang mga kapwa naming pasahero.

“Sure ba kayo mga iha na dito kayo bababa?” tanong ng isang pasahero, ngumiti lang si Ivy at tumango.

Hininto naman ng driver ang bus at pinabilis kami sa aming pagbaba.
Nang makababa kami ay dali-daling pinaharurot ng driver ang bus.

Napatawa na lang kami ni Ivy pero kabado na talaga ako sa loob loob ko.

“Kanina pa namin kayo Inaantay. Bilis sakay na” wika ng tatay ni Ivy, na hindi namin napansin na andun na pala. Agad-agad niya kaming pinasakay sa Tricycle at pinaharurot ito.

Nakakapagtaka lang dahil parang balisa at hindi maayos ang pagmamaneho ng tatay ni Ivy.

Parang hinahabol ito pero wala namang humahabol sa amin. Pinagsawalang bahala na namin ni Ivy yun dahil tanaw na rin naman namin ang kanilang bakuran.

Nang nakapasok na kami sa kanilang bakuran at naisara na ang gate nito ay dun lang kumalma ang tatay ni Ivy, dali-dali naman namin itong tinanong kung bakit ganun na lamang ang kanyang pagmamaneho.

“Mamaya ko na sasabihin sa ngayon ay pumasok na tayo sa bahay at mag kapag pahinga na rin kayo. Nag aantay na sila.”

Nagtataka man ay hinayaan na namin ito at pumasok sa kanilang bahay.

Wala pa rin pag babago ang kanilang bahay, simpleng bahay pero sobrang ganda ng mga palamuti rito.

Tila ba nakahanap ako ng kapayapaan nang makapasok ako sa kanilang bahay.

Agad rin naman kaming pinapasok sa aming kwarto ni Ivy nang kanyang nanay para raw makapagpahinga at maayos na naming ang aming mga gamit.

Di ko alam pero parang may kakaiba talaga sa kanilang mga kinikilos, nakakapagtaka pa, ay akala ko ba, ayos na ang mga aswang dito pero tila ba mag aadobo kami sa aming kwarto dahil puno ng bawang, sili, asin ito na tila nakapalibot pa sa iba’t ibang parte ng kwarto lalo na sa mga bintana nito.


“It’s getting weirder” wika ko kay Ivy na tahimik lang pinagmamasdan ang paligid.

“Yna, sorry pero mukhang hindi ata maganda ang mangyayari sa atin dito” wika ni Ivy, napakunot lang ang noo ko sa kanyang sinabi dahil sa palagay ko ay tama siya.

Nakaraos naman kami ng mga ilang gabi na walang kakaibang pangyayari basta ang bilin nila sa akin ay wag na wag na akong lalabas ng bakuran nila nang hindi kasama si Ivy at baka mapano pa ako.

Mas grabe na raw kasi ang sitwasyon ngayon, hindi si Benie ang problema kung di ang kamag-anak nitong tila ba nag hahari-harian na sa naturang baranggay.

Sinunod ko naman lahat ng bilin nila hanggang sa isang araw nagulat na lang ako na nasa bahay nila Ivy si Kapitan Benie at ang anak nito.

Anak ni Bernie ang lalaking sumusunod sa amin noong nasa maynila kami, ang lalalking may gwapong mukha noong unang punta namin dito.

“Eto si Nathaniel, eto ang aking anak. Yna, natatandaan mo pa ba ang kondisyon noong unang pumunta ka rito at sumuway sa mga tagubili namin” wika ni Kapitan Bernie.

“Opo natatandaan ko pa at tila hindi ko yung makakalimutan.” Sarkastiko kong tugon, na kinangiti lamang ni Kapitan Bernie.

“Bale, ang pagkakaalam ko ay nakatanggap ka rin ng Marka o sumpa ng Aswang noong nasa Maynila ka, tama ba?” dagdag na tanong nito na kinatango ko lang bilang pagsang-ayon.

“Sa gayon, ang sumpa ng aswang ay binibigay lang para mag deklarang pag-aari ng aswang ang naturang bagay o tao. Ginawa iyon ni Nathaniel, dahil ayaw niyang may ibang taong lalapit sayo o sino man poncio pilato ang aaligid sayo.

Ang kondisyon ay magiging kabiyak ka nang anak kong si Nathaniel at mag iisang dibdib kayo sa ikatatlongpu ng Octobre.

Gagawin mo ito o papatayin kita sampu ng angkan nang angkan nila Ivy.” Matigas na sabi nito sabay turo sa pamilya ni Ivy.

Napalunok lang ako ng laway. Ano nga ulit ang pinasok ko! Isip isip ko, napangisi lang si Nathaniel.

Ako naman ay naluluha na.

Wala sa plano ko ang makapangasawa ng isang gwapong antipatikong aswang. 

Baranggay ng mga AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon