“Kung may dapat man mawala ay hindi si Yna, hindi rin ako marahil siya” matigas na pagwiwika ni Nathaniel sa mga aswang na nakapalibot sa amin habang nakangiti parin ito sa akin pero ang hintuturo niya ang nakaturo sa isang dako kung asan ang kanyang amang si Kapitan Bernie at ang supremong si Gimo.
“Gusto niyong matapos ang gulong ito, marahil eto na ang pagkakataon para matapos na rin ang lahi ng mga aswang” dagdag niya pa.
Tanging mga angil ng mga halimaw na aswang ang aking narinig na tugon na sinundan nang nakakalokong tawa ng Supremo.
Ang tawa niya dumadagungdong sa buong bayan ng mga aswang.
Ang normal na pangagatawan ng supremo ay unti-unting napapalitan ng halimaw na anyo, hindi lang basta aswang naging mabalahibo ang katawan nito at tumubo ang mahahabang pangil at ang mas nakakapanghilakbot pa rito ay unti-unting umusbong ang tinatago nitong sungay.
Parang demonyo ang naging anyo nito dahil na rin sa kakaibang pula ng mga mata taglay nito samantalang ang mga aswang na nakapalibot sa amin ay nag bago na rin ng anyo.
Hindi lang basta aswang ngunit naging itsurang kambing ang mga ito ngunit ang katawan ay nanatili bilang tao.
Napalunok na lang ako sa aking nasasaksihan.
“Wag kang hangal Nathaniel, alam niyo kung saan nag mula ang lahi ng mga aswang. Tao na binenta ang kaluluwa sa demonyo upang mas maging makapangyarihan at mataas sa tao. Ngayon ay babaliin niyo ang sumpa dahil lang sa ikatlong lahi.” Nakakatakot na sigaw nito.
Tila tumungtong sa lupa ang isang demonyo, oo demonyo. Nakikita ko ang isang demonyo sa katauhan ng supremo.
Napangisi lang si Kapitan Bernie at si Nathaniel dahil sa winika ng supremo. Tila ba hindi sila apektado sa pagbabagong anyong ginawa nito at parang halos ikatuwa pa nila ang pangyayari.
“Pangahas ka Gimo. Pinili mong mag palit anyo sa sagradong lugar na ito” wika ni Kapitan Bernie,
Tila ba naguluhan naman si Supremo dahil sa naging sagot ni Kapitan.
Kumapit ako kay Nathaniel dahil na rin sa takot ko sa mga nilalang na nakapaligid sa amin ngayon.
“Akala ko ba aswang ang lahi niyo bakit tila naging demonyo ang mga ito” mahina ngunit nanginginig kong tanong kay Nathaniel.
Bahagyang napapitlag si Nathaniel dahil sa naging kilos ko pero Nakita ko na napangiti ito sabay nag salitang “Oo aswang ngunit di gaya namin sila ang unang lahi ng aswang kung saan binenta ang pagiging aswang at tao sa demonyo upang mas maging makapangyarihan.” Mahinahong salaysay nito.
Naguguluhan man pero hindi na ako nagtanong pa, nanatili ang mga maanghang na palitan ng salita ni Kapitan at ng Supremo hanggang sa makarinig kami ng sigaw na nangagaling sa bahay nila Ivy.
“Sila Ivy” sigaw ko sabay takbo papunta sa bahay.
Wala na akong inaksayang panahon hinanap ko kung asan banda galing ang tili.
“Halika papatayin kita” sabi ng mga halimaw na sumusunod sa akin, rinig ko rin ang tawag sa akin ni Nathaniel, ngunit di ko sila pinansin. Bagkus binilisan ko lang ang pagtakbo saktong may Nakita akong malaking tubo, kinuha ko yun at pinamhampas sa mga nilalang na humaharang sa dadaanan ko habang ang mga sumusunod naman sa akin ay inaatake ng mga aswang na nasa panig nila Nathaniel.
Nakakatakot, nakakakaba, para akong nasa digmaan ng mga halimaw nasa TV ko lang nakikita pero ngayon ako na ang tila bida.
Pero wala akong alintana, para sa pamilya ng kaibigan ko at para sa kaibigan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/245660798-288-k705329.jpg)
BINABASA MO ANG
Baranggay ng mga Aswang
Misteri / ThrillerAng sumusunod na storya ay pawang imahinasyon lamang at kathang isip. thank you for reading. published in Youtube.