First Ride

60 3 2
                                    

SIYA: Sumakay ako ng jeepney,
Meron akong nakita,
Isang marikit na dalaga
Napakahinhin, parang si Maria Clara
Nakabibighani, napakaganda.

Kung kaya't aking sinubukan
Na mag-ingay, nang kanyang silayan
Kahit kapirasong saglit lamang
Subalit masaklap, aking kapalaran.

Sakanya ko lang pinako aking tingin
Nagbababakasakaling ako'y mapansin
Subalit saking destinasyon ako'y dumating
Bumaba akong, 'di natupad aking hiling.

AKO:Sumakay ako ng jeepney,
Meron akong nakita.
Napakaingay na binata.
Papansin masyado at nakakairita.
Subalit ang jokes nya talagang nakakatawa.

Gusto ko sana syang tingnan
Nang makita at masilayan
Subalit hindi ko namalayan
Nakababa na pala sya sa unahan.

Sinubukan kong habulin ng tingin
Subalit ang layo na ng narating
Likod nya lang nakita ko ng aking silipin
Sana makasakay ko sya sa uulitin. 

My Jeepney Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon