The New Normal Ride

26 0 0
                                    

SIYA: Isa, dalawa, tatlo, apat, lima.
Limang buwan na kaming hindi nagkikita.
Sumakay ako uli ng jeepney.
Ngunit lahat ay iba na.

Nakafacemask at nakafaceshield bago sumakay.
Mga pasahero dapat ay hiwa-hiwalay.
Ang di sumunod, bawal sumakay.
Kinukulong ang magpasaway.

AKO: Isa, dalawa, tatlo, apat, lima.
Limang buwan hindi ko sya nakita.
Sumakay ako uli ng jeepney.
Ngunit lahat ay iba na.

Pano ko kaya sya makikilala.
Pano nya ko makikita.
May mga facemask ang aming mukha.
May faceshield saming mga mata.

My Jeepney Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon