Byaheng 4ever

16 0 0
                                    

SIYA: Muli akong sumakay ng jeepney,
Nakita ko na sya uli sa wakas.
Pagkakataong ito'y di ko na pinalampas
Hihintayin ko syang bumaba kahit abutin ng bukas.

Dumating ang pagkakataon at siya'y bumaba
Dalidali rin akong bumaba
Tinawag ko sya upang magpakilala
Sa wakas ito na ang aking tsansa.

Ako naman ay kanyang pinakinggan
Nagpakilala ako ng medyo may kalayuan
Social Distancing pa rin kasi kailangan
Pero atleast mata nya'y aking nasilayan.

At dun nagsimula na kami'y maging malapit
Pagkakataon naman ay hindi nagmasungit
Madalas kaming nagkakasakay
Minsan lumalabas na rin sa kung saan lang tatambay

Lumipas ang mga araw at kami'y nagkamabutihan
Sinubukan ko rin na sya ay ligawan
Salamat sa Diyos ako'y kanyang pinahintulutan
Hanggang sa sagutin na nga ako nya ng tuluyan.

My Jeepney Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon