SYA: Sumakay ako ng jeepney,
At muli ko syang nakita.
Kung kaya't puso ko'y natuwa
Umaasang makita ang kanyang mukhaDahil kami'y nasa magkabilang dulo,
Sya ay nasa malapit sa driver nakaupo
Ako naman ay malapit sa pinto
Sinubukan kong umunahan ng papakonti na ang tao.Magkakaharap na sana kami,
Nag biglang pumara ang aking katabi
Yung kasama ko pala ang nagpatabi
Sabay sabing bababa na raw kami.AKO: Sumakay ako ng jeepney,
Nakita ko sya uli.
Kung kaya't aking puso'y di mapakali
Inisip ko nalang hindi ko sya nakita kunwari.Pero aking napansin sya'y papalapit
Tibok ng puso'y natigil saglit
Humihinga ako ng papilit
At mga mata ko'y akin nalang ipinikit.Nagpanggap akong nakatulog
Subalit pagdilat ng mata ko
Wala na pala sya sa harap ko.
Kasalanan ko, ito naman aking ginusto.
BINABASA MO ANG
My Jeepney Love Story
RomanceA story of two individuals who met inside a jeepney. But they were unable to see each others face due to circumstances.