Hilong-hilo si Fred. Gayunpaman ay pinilit niya na tumayo. Duguan ang kanyang katawan sanhi ng mga sugat dahil sa aksidente. Nilinga niya ang paligid. Sa itsura pa lamang ng bumagsak na eroplano masasabi na niya sa sarili na mapalad pa siya dahil nakaligtas pa siya at nabuhay.
Maya-maya pa ay nakarinig siya ng sigaw na humihingi ng tulong, tinig iyon ng isang babae. Hinanap niya ito. Sa sobrang lakas ng ulan ay halos di na niya makita ang dinadaanan. Sinusundan na lamang niya kung saan nagmumula ang tinig. Sa kanyang paghahanap ay halos pangilabutan siya dahil sa mga nakitang mga nagkalat na mga katawan ng tao na wala ng buhay.
Sa wakas ay natunton na niya kung saan ito nagmumula. Nasa gilid ng bangin ang babae. Nakakapit lamang ito sa isang nakausling kahoy na naroroon. Banaag sa mukha ng bababe na nahihirapan na ito, at maaaaring sa anumang saglit ay makakabitaw na ito sa pagkakahawak at tuluyan ng mahuhulog sa malalim na bangin.Wala ng inaksayang panahon si Fred. Agad niyang inabot ang kamay nito ay ubod lakas na hinila papataas.
Nawalan ng malay ang dalaga dahil siguro sa tindi ng tension na nadama. Binuhat ni Fred ang dalaga ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ng makarinig siya ng isang malakas na pagsabog. Huli na para maiwasan niya ito, sa isang iglap lamang ay tumalsik silang pareho ng babae at pati siya ay nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
The Flight (New Generation) [COMPLETED]
Teen FictionThe version of this "The Flight" story is a NEW GENERATION dahil iba po ito sa dati kong nagawang story with the same title na ginawa with the help of my STT Officials, na pinost at in-upload din sa pangalan & copyright of STT Group. "The Flight Sto...