Nagulat si Cielo sa mga nangyari. Parang echo-ng paulit-ulit niyang narinig ang katagang binitiwan ni Fred na “..Paalam ASAWA kong mahal” at biglang bumalik ang ala-ala niya.
***Bagong kasal sina Fred at Cielo. Halos limang taon muna silang magkasintahan bago nila pinagpasyahan na magpakasal. Ngayon nga ay nakasakay sila sa eroplano para sa kanilang honeymoon. Pero sa kasamaang palad ay tinamaan ng kidlat ang eroplano. Hindi agad sila nakapag-seat belt kaya naman ng matuklap ang gilid ng eroplano ay agad silang tinangay palabas ng eroplano, kaya hindi sila nakasama sa pagbulusok ng eroplano at pagsabog nito. Tumilapon si Cielo sa gilid ng bangin. Maswerte na lamang at napakapit siya sa nakausling-kahoy. Sinubukan niyang humingi ng tulong at dumating naman si Fred. Agad naman siyang tinulungan ng asawa. Nais pa niya sanang kausapin at kamustahin ito pero wala na siyang lakas. Tuluyan na siyang nawalan ng malay dahil sa isang malakas na pagsabog.***
Nakasakay na sa helicopter si Cielo. Hawak-hawak niya ang kwintas na binigay sa kanya ni Fred. Pilit niyang binabalikan ang mga huling sandal na magkasama sila ni Fred. Nanghihinayang siya dahil hindi niya agad nakilala at nalaman na asawa niya pala ang kasa-kasama niya ng mga panahon na yaon.
Gayunpaman ay masaya parin siya dahil kahit nasa ibang dimension na ang kanyang asawa ay bumalik parin ito para sa kanya, para alagaan at protektahan siya hanggang sa maging maayos na ang kalagayan niya. Nagpapasalamat din siya sa langit dahil nabigyan pa sila ng pagkakataon na magkasama muli, na nuong una ay inakala nila na ang mga nangyayari sa kanila ay kagagawan ng mga engkanto… yun pala ay kagustuhan ng langit, dahil narin siguro sa wagas nilang pagmamahal sa isa’t-isa, na hindi lang pang-habang-buhay kundi hanggang sa kabilang-buhay ay mananatili.
Wakas

BINABASA MO ANG
The Flight (New Generation) [COMPLETED]
Novela JuvenilThe version of this "The Flight" story is a NEW GENERATION dahil iba po ito sa dati kong nagawang story with the same title na ginawa with the help of my STT Officials, na pinost at in-upload din sa pangalan & copyright of STT Group. "The Flight Sto...