II

20 1 0
                                    

Nagising si Fred dahil sa ilang mga patak na tulo ng ulan na nagmumula sa butas ng bubong. Kung paano siya napunta duon ay hindi niya alam.

Gaano na nga ba siya katagal duon? Maski kasi mga sugat at galos niya sa katawan ay mistulang nawala lahat. Tanging pananakit lamang ng buong katawan na animo’y para ba siyang binugbog ang kanyang nararamdaman. Napakalakas pa ng ulan, at ang lamig ay kanyang nararamdaman. Kasabay ng mga kulog at kidlat ay pilit na binabalikan ni Fred ang mga pangyayari bago ang aksidente. Pero sa kasamaang palad ay wala talaga siyang maalala. Bukod sa kanyang pangalan ay hindi na niya maaalala kung sino nga ba siyang talaga.

Naputol ang kanyang pag-iisip ng makarinig siya ng ungol mula sa kabilang kwarto. Agad niya itong pinuntahan para silipin kung sino ito.

Ang babaeng kanyang niligtas mula sa gilid ng bangin ang naroroon. Nangangatal ito sa lamig at napakataas ng lagnat, wari niya ay nagdedeliryo na ito.

Agad siyang lumabas, humanap ng mga maaari niyang mapakinabangan at magamit. Nakakita siya ng ilang mga halamang gamot na maaaring makapagbigay lunas para mapababa ang lagnat ng dalaga at makapagpahilom sa mga sugat nito. Nakakita din siya ng ilang maletang nagkalat, kinuha niya para mapakinabangan kung ano man ang laman ng mga ito.

Magdamag na binantayan ni Fred ang dalaga. Mahimbing ang tulog nito, at halatang bumuti na ang kalagayan nito kahit na papaano.

Ngayon ay malaya na niyang pinagmamasdan ang itsura nito. Nang malinisan at mabihisan niya kasi ito ay lumabas ang taglay na kagandahan ng dalaga. May maamo at magandang itong mukha, bagamat may mga galos at sugat ang katawan, ay makikita mo dito ang kakinisan at kaputian nitong taglay.

Aminin man ni Fred sa sarili o hindi, ng hubdan nya ito para palitan ng damit, nag-alinlangan nga siya nung una pero kailangan niyang gawin sapagkat basang-basa ito ng putik at ulan, ay alam niyang nabighani talaga siya dito. Isang damdamin na may pagmamahal at walang bahid pagnanasa ang kanyang nararamdaman.

The Flight (New Generation) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon