IV

7 0 0
                                    

Nagising si Cielo dahil sa matalas na sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Wari ba’y di na siya sanay sa sinag ng araw at nasanay na siya sa panahon na pulos mga matatalim na kidlat at malakas na buhos ng ulan lamang.

Hinanap niya si Fred pero di niya ito makita. Marahil naghahanap ito ng makakain. Pinasya niyang lumabas para makapaglibot man lamang sa paligid.

Nalibang si Cielo sa paglilibot at di niya namalayan na nakalayo na pala siya. Napansin na lamang niya na nasa harapan na niya ang wasak na kalahating parte ng eroplano. Halos mapaluha at taasan siya ng balahibo dahil sa nagkalat na mga bangkay ng tao sa paligid.

Aalis na sana siya ng mapansin niya na may nakaupong tao sa may parteng pakpak ng eroplano, malungkot ito at wari’y nakatingin sa kawalan. At kilala niya kung sino ito…..si Fred. At hindi din nito namalayan ang pagdating niya.

“Fred, ok ka lang?” tanong ni Cielo.

Si Fred naman bagamat nagulat ay hindi ito umimik. Tiningnan lamang siya nito sa mata at binigyan ng matamis na ngiti. Ginantihan din naman siya ni Cielo ng ngiti.

Pero ang labis na pinagtaka ni Cielo ay ng makita niya na may namumuong luha sa mga mata ni Fred, at ang mga iyon ay tuluyan ng umagos.

“bakit Fred anong problema?” alo ni Cielo dito. Pati siya ay napaluha na din sa di nya malaman na dahilan.

Hindi nagsasalita si Fred. Tanging mga hikbi lamang nito ang naririnig ni Cielo. Hindi alam ni Cielo kung bakit nagkakaganun si Fred.

Dahil kaya may nakita si Fred na bangkay na kakilala nito? O di kaya ay bangkay ng kaibigan? Magulang? Kapatid? O kaya ay bangkay ng asawa o mga anak?

May bahagi sa kanyang puso ang kumirot ng maisip niya na baka may pamilya na ito. Masakit man ay kailangan niyang tanggapin. Kailanagn niyang malaman ang dahilan kung bakit ganun si Fred.

“ano bang problema Fred? Makikinig ako.” Inihahanda na ni Cielo ang sarili sa maaaring aminin sa kanya ni Fred.

Pero sa halip na magsalita ay tumayo si Fred. Huminga ito ng malalim bago dumukot sa bulsa at may kinuha at iniabot niya iyon kay Cielo.

Isang kwintas na hugis puso na pambabae ang binigay nito kay Cielo.

“ano ito?” naguguluhang tanong ni Cielo.

“Kwintas yan. Para yan sa asawa ko.” Nakangiting sabi ni Fred sa kanya, pero patuloy parin ang pag-agos ng luha nito. Si Cielo naman ay gusto naring umiyak ng malaman niyang may asawa na ito.

“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!” isang mahaba at ubod lakas na sigaw ni Fred. Halos maubusan na ng lakas si Fred bago tumigil, pagkatapos ay humarap ito kay Cielo. Bagamat lumuluha ay nakangiti ito sa kanya.

“Ngayon alam ko na kung bakit. At masaya parin ako kahit papaano.” Nakangiting sabi nito kay Cielo.

“What do you mean? Di kita maintindihan Fred?” nalilitong sabi ni Cielo.

“Alam ko na Cielo kung bakit nangyayari sa akin ito. Kung bakit nandirito pa rin ako.” Sabi ni Fred.

“Hindi talaga kita maintindihan Fred” sabi ni Cielo.

Sabay nuon ay narinig nila sa kalawakan ang tunog ng mga helicopter na naglilibot at hinahanap at bumagsak na eroplano at para maghanap ng mga survivors.

Lumapit si Fred kay Cielo. Hinawakan nito ang mukha nito at hinalikan ng madiin.

“Ligtas ka na Cielo. Kailangan ko ng magpaalam sayo. Tandaan mo mahal na mahal kita. Kahit saan ako naroroon at mapunta ikaw lang ang mamahalin ko” buong-pusong sabi ni Fred.

“Mahal na mahal din kita Fred” naiiyak na sabi ni Cielo.

At muli ay nagdampi ang kanilang mga labi. Matagal…madiin.. at may pagmamahal na halik ang binigay nila sa isa’t-isa.

“Paalam sayo mahal ko. Paalam asawa kong mahal” nakangiting sabi ni Fred. Kasabay niyon ay ang unti-unti nitong paglaho sa mga mata ni Cielo.

The Flight (New Generation) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon