III

17 1 0
                                    

Maagang bumangon si Fred. Bagamat umuulan padin ay pinilit niya na lumabas upang humanap ng kanilang makakain. Bumalik siya sa lugar kung saan bumagsak ang eroplano. Naghanap siya ng mga pwede pa niyang magamit at mapakinabangan. May ilang maleta siya na kinuha na sa tingin niya ay pwede pang mapakinabangan ang mga laman. May ilang mga de latang pagkain at instant foods din siyang nakita na nakalagay sa isang maleta.

Pumitas din siya ng ilang bunga ng saging na kanyang nadaanan at ilang kamoteng kahoy. Pagdating sa kubo ay agad siyang gumayak ng kanilang makakain.

“Nasaan ako?” tanong ng isang tinig mula sa kanyang likod.

“Gising ka na pala. Ok na ba ang pakiramdam mo?” balik tanong ni Fred. Agad niya itong pinuntahan para alalayan.

“Yes I am ok. Thank you. Nasaan na ba tayo?” muling tanong nito kay Fred.

“Nandito parin tayo in the middle of no where. May I know your name please? Im Fred Manzano by the way.” pagpapakilala nito.

“Im sorry di ako nakapagpakilala. Iam Cielo Bardemoso. I don’t know what happened pero aside with my name, di ko na alam kung sino ba talaga ako” malungkot na sabi nito.

“How strange. Ganyan din ako ngayon eh. Parang there’s a part of me na para bang missing, na di ko malaman kung ano ito. Hindi ko maalala kung ano ito” sabi ni Fred.

“Really? Pareho pala tayo. Hindi kaya dahil ito sa aksidente? O baka naman may mga engkanto dito sa paligid, at pinaglalaruan tayo?” kinikilabutang sabi ni Cielo, nagpalinga-linga ito sa paligid.

“Hay naku. Baka gutom lang yan. Halika na at kumain na tayo. Baka sakaling bumalik na ang alaala natin kapag nagkalaman na ang tiyan natin” natatawang sabi ni Fred.

Nagluto si Fred ng nilagang saging at kamoteng-kahoy. Nakapagluto din siya ng instant noodles. Maswerte na din sila dahil may ilang mga kagamitan sa pagluluto ang kubong kanilang tinutuluyan ngayon.

Habang kumakain sila ay hindi parin mawala sa isip ni Fred ang sinabi ni Cielo. Hindi lamang siya nagpahalata kay Cielo dahil baka matakot ito. Pero sa katunayan ay kinilabutan at natakot siya sa sinabi nito na baka pinaglalaruan sila ng engkanto. Marahil totoo ito. Sa mga nararanasan nila ngayon ay maaaring mga kagagawan nga ito ng mga engkanto sa paligid.

Paano nga ba sila napunta sa kubong ito? Bakit nawala ang mga sugat niya sa katawan? At bakit may ilang parte sa kanyang buhay ang di niya maalala? At gayundin si Cielo?

Maaaring tama nga si Cielo. At kung tama nga ito ay papaano na sila ngayon?

May ilang araw pa ang nagdaan. Bumubuti na din ang kalagayan ni Cielo. Bagamat malakas parin ang buhos ng ulan, ay masaya naman ang kanilang pagsasama kahit na papaano. Para silang mga sinaunang tao na nabubuhay lamang sa mga prutas at iba pang pagkain na masaganang nagkalat sa paligid. At sa ilang araw na sila ay magkasama hindi na din maikakaila ni Fred na tuluyan na siyang nahulog kay Cielo. Si Cielo naman ay lihim na ring nakakaramdam ng pag-ibig kay Fred.

The Flight (New Generation) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon