CHAPTER FIVE: Happy Birthday Yanna Miranda!

8 0 0
                                    

Kahit na busted ko na si Mike ay parang wala paring nagbago sa communication namin. Text and tawag parin at palagi niya akong binibisita sa may kanto malapit sa bahay namin at dinadalhan ako ng pagkain. Alam niya kasing palakain ako :)

 January 14, 2012. yehey birthday ko na bukas! Busy na busy na ang mga tao sa bahay namin sa pagluluto. Ngayon ko kasi e cecelebrate ang birthday ko eh at magpapaovernight ako sa bahay with Carrie, Christine, Kiking, Gayle at Nich. At exactly 6:00 pm ay dumating na talaga ang mga bisita ko sa bahay. Kumain kami, nagkantahan at nagtawanan. Nag-enjoy talaga ako sobra! J

 So the next morning, JANUARY 15. so birthday ko na talaga! Hahaha. 6 am palang ay nagising na ako dahil sa tawag ni Mike. Anong klaseng tao to? Ang aga aga eh napatawag. Hindi ko nasagot ang tawag niya kaya binasa ko ang message niya.

 One message received

(From: Mike Abejo)

 Good Morning birthday girl! Gising na J lumabas ka muna sa bahay niyo may sorpesa ako J

 Lumabas ako ng bahay at nakita ko siya na maydalang bike at nakangiti habang palapit ako sa kanya. Ningitian ko siya at niyakap niya ako. Ooops? damoves ka ha! Kinuha niya ang box sa bulsa niya at pinatalikod niya ako.

 “Bakit ba? Ano to hold up?” tanong ko sa kanya.

 Bigla nalang akong nanlamig ng sinuotan niya ako ng necklace. UniSilver yata yun na may pendant na Chinese character which means “love”. Grabi! Na touch talaga ako! Ayyyyt :3 Sa dinamirami ng mga lalaking dumaan sa akin eh siya lang ang nakabigay sakin ng ganitong regalo. Nang nasuot na niya sa akin ang necklace ay niyakap ko siya kaagad at napaiyak (pero hindi ko to pinahalata). Kinantahan niya ako ng happy birthday at sinuotan ako ng bulaklak sa tenga J

 “Ang ganda mo kahit naka pajama”

 Binola  niya pa ako. Nagpasalamat ako sa kanya at pumasok na din ako sa bahay. Bumalik ako sa kwarto at tinukso ako  ng mga kaibigan ko.

 “Uyyy! Ikaw ha, talaga bang seryoso ka na diyan?” tanong ni Christine.

 “Nakakainggit naman” dagdag ni Nich at hinawakan ang necklace ko.

 Ngumiti lang ako at napaisip. Ano pa ba ang problema ko? Bakit ba parang may pumipigil parin sa akin na gustohin din sya. Swerte naman ako sa kanya diba?

Parang every girl is craving for a treatment like this na kahit pinapakita ko na ayaw ko eh hindi parin gumugive up. I like Mike, pero I can’t because something is stopping me. Gusto gusto ko talagang suntukin ang sarili kung bakit ganito ako. Yung babaeng itsura ang gusto sa lalaki. Ayy ewan ko ba, pero nasanay na kasi ako eh. Kung hindi lang sana ako ganito eh I wouldn’t be hesitant to like him back. Ang gulo.

 “Yanna, gusto mo ba talaga siya?” seryosong tanong ni Gayle.

 “Yes J I mean na aappreciate ko lahat ng mga ginagawa niya sa akin”

 “ Eh may pag-asa ba siya? Yung to the point na more than friends?”

 Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Gayle. Oo nga noh? Hindi ko naisip yun. Hindi naman siguro pwede na ganito nalang lagi, bigay siya ng bigay eh tanggap lang ako ng tanggap. You get my point?

 “I don’t think so” tipid na sagot ko kay Gayle

 “Eh bakit ine-entertain mo pa siya? Diba kung ayaw mo talaga then ano bang mahirap sa pag-iwas at pagpahinto sa kanya?”

 Ayyy ano ba to si Gayle. Lalo na tuloy akong nagugulohan.

 “If you were on my place Gayle then you would know how hard it is to let go of that someone who made you feel very special kahit hindi mo gusto”

 “Pero ang selfish mo naman yata tingnan Yanna noh kung ganon. You’re not letting go of Mike because you’re sitting pretty enjoying the pleasure of that special treatment while siya naman nagpapakahirap. Don’t you think it’s unfair?”

 Gayle is interrogating me too much. Sanay na ako sa kanya, she’s the one na nagpaparealize sa akin kahit noon pa. and yes, SELFISH ako.

 “I’m just thinking na baka mapapagod din siya. Yung siya na yung kusang mag give up, hindi yung tinataboy ko siya ngayon mas masasayang yung lahat na ginagawa niya”

 “Hayy nako Yanna. Best advice ko talaga sa’yo, stop him while it’s early yung hindi ka pa masayadong nakakasakit. As what I have observed, sincere yung tao at napakaseryoso unlike sa mga boys na dumaan sa’yo.”

 End of conversation. Pinapakonsensha mo na ako masyado Gayle.

THE REVERSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon