CHAPTER ELEVEN: KEEP DISTANCE

8 0 0
                                    

2 weeks after ng drama naming sa kalsada: Naging maayos naman ang relasyon namin ni Mike these past few days and miraculously hindi pa kami nag-away. It’s Saturday! After ng computer class naming ay inimbitahan ako ni Vivian.

 “Uy Yanna, punta tayo sa school fair ngayon sa skwelahan nina Rez. Magkikita kasi kami doon eh, and for sure nandoon din si Mike! Magsama nalang tayo J”

 Whaaat? Sa school fair ng Don Bosco Academy? Ayoko. Sa skwelahan nay an ay maraming naka kilala sakin. Nandiyan lahat ng fans ko, haters ko, mga ex ko at etc. I don’t want them to see me with Mike. Ayokong maging hot topic na naman. Pero mapilit talaga si Vivian eh! Kaya pumayag nalang ako. Ka text ko si Mike ngayon pero hindi ko pinapaalam sa kanya na nasa skwelahan nila ako. Kasama ko si Vivian, Rez at Michael sa isang booth at nagkwentohan at kumain. Pagkalipas ng ilang oras ay PAAAAAAAAAAAK! INCOMING! A ZOMBIE APPROACHING! -_-

Tumakbo si Mike palapit sa akin.

 “Hey baby, why didn’t you tell me na andito ka pala?’

 Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. Tumingin halos lahat ng tao sa amin at nahilaw ako. Ngumiti lang ako at walang nasabi, buti nalang sinalba ako ni Michael.

 “Pare, she was just trying to surprise you. Punta tayo sa field, laro ko sa Frisbee ngayon”

 Thanks for saving me Michael! I thanked Michael through winking at him and he winked back at me.

Habang naglakad kami sa hallway ng school papunta sa field with Michael, Mike, Rez at Vivian ay lahat ng tao nakatingin sa amin. Sikat kasi kami eh, except for Mike and siguro nahawa nadin si Mike since I dated him. I can feel people talking about us, at nahiya NANAMAN ako na inakbayan ako ni Mike. Kinakausap niya ako pero I was trying to ignore him. Lumalapit siya sa akin pero dumidikit ako kay Michael and I think napansin niya yun. Hindi ko naman sinasadya to treat him like that, sana maintindihan niya naman ang embarrassment ko and at least naman nu he knows I like him kahit ganito ako.

 iniwan muna kami ni Michael kasi nag-umpisa na ang laro niya. So NO CHOICE na ako, sweet masyado sina Vivian at Rez kaya wala akong AIDS (as if doing something) na magagawa para lang hindi makita ng mga tao na I’m with Mike and for Mike not to notice na I’m like avoiding him for now. Mike bought a cup of ice cream and he tried na suboan ako and people at our back are looking at us so I refused him. Masyado ng nahalata ni Mike ang mga ginagawa ko.

 “Nahihiya ka bang kasama ako?” tanong ni Mike.

 “I hope you’ll understand” sagot ko kay Mike

 I can see on Mike’s face na nasaktan siya sa sinabi ko. Dumistansya siya sa akin ng about 6 inches at tumingin sa akin.

 “Okay na?” tanong niya.

 Hindi ako sumagot and looked away.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE REVERSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon