CHAPTER FOUR: The Rejection

16 0 0
                                    

Madalas na ang pagcommunicate namin with each other ni Mike. May mga developments na din. So ano? Curious kayo sa status namin? Haha MU stage na kami. Pero kahit MU na kami hindi ako masyadong sweet sa kanya, parang tinatago ko pa. Eh ayaw ko pa nga sumabay masyado kapag nagsweetsweetan siya sa akin. Lumalabas na din kami paminsanminsan pero hindi yung kami lang dalawa. Minsan kasama ko pinsan ko, or yung gwapong batang pinsan niya, or si Carrie, or si Justine. I don’t know ano na yung na feel ko talaga kasi nandito pa yung when it comes to physical ayaw ko parin pero basta I like him, I feel safe with him, I feel cared and loved and when it comes to loyalty and faithfulness I know he is kahit MU lang kami.

 3rd of January na! back to school -_- hahay. Pagpasok ko palang sa classroom eh usap-usapan na nila about sa amin ni Mike. Si Carrie naman kinuwento lahat lahat. Hahay. Yes naaa. Nang pumasok ako ay sinalubon ako ng isa ko pang bestfriend na si Christy.

 “Yanna, I’m so sure true love na talaga yan! LOVE IS BLIND!”

 Alam niyo naman siguro ang ibig sabihin ni Christine dba?

 “Haha Christine, di naman love toh”

 Nang umupo na ako ay lumapit din si Vivian sa akin.

 ‘Oh my gosh! We’re sisters na magbestfriends kaya yung mga boyfriend natin!”

 “boyfriend? Hindi ko naman siya boyfriend Vivian. Daig mo pa ang relo ko sa pagka advance ha! Haha”

 “Pero gaya nang Breaking Dawn I, COMING SOON J”

 Tumawa nalang ako at naglagay ng earphones ko sa tenga habang pinanood lang yung mga kaklase kong nagchichismis ng kahit na sino and I know kasali ako sa hot topic nila kaya kahit isa ako before sa mga chismosa eh hindi na ako nakisali ngayon.

Oh it’s already 8:30 am pero wala parin kaming teacher. Tiningnan ko si Lebin na naglalaro ng bola habang palapit sa akin at umupo sa tabi ko. Si Lebin pala ay kaklase ko. MU din kami before.

 “Alam mo Yanna, gusto pa sana kitang ligawan pero natakot ako sa itsura ng bago mo eh kaya wag nalang” tawa ng tawa si Lebin ng inaasar niya ako.

 Tahimik lang ako habang nakikinig parin ng music sa iPOD ko. Pinatunog ko ang WTHOUT YOU by AJ Rafael at napangiti nanaman ako J

 CLASS DISMISSED! Haaay ang sarap sa pakinggan. Pumunta agad kami ni Christine sa canteen para kumain. Habang nagkwekwentohan kami ni Christine ay nakita nami si Carrie na tumatakbo at tinatawag ako.

 “Yanna!!”

 “Oh ano?”

 “Si Mike. Nasa labas ng gate!”

 “Ha?”

 Kinuha ko ang cp ko at binasa ko ang message ni Mike na nandito talaga siya.

 “Anong gagawin ko?” tanong ko kay Carrie.

 “Puntahan mo!” sinagot ako ni Christine.

 “Ayoko. Nahihiya ako.”

Oh my  gosh. Na papanic na talaga ako. Bakit pa kasi siya pumunta dito?!! Eh kung Makita siya ng mga kaklase ko oh ng ibang year level? NAKAKAHIYA!!

 “Akala ko ba you like him?” tanong ni Christine.

 “Nahihiya ako. Naiintindihan niyo naman ako dba? Kilala niyo ako!”

 “Cge eto nalang. Carrie, balikan mo si Mike sa labas at sabihan mo na 6pm pa makakalabas si Yanna dahil may practice pa siya sa sayaw. Ganyan nalang para umuwi na siya” Sinabihan ni Christine si Carrie.

 Habang naghihintay kami ni Carrie ay hindi ako mapakali! Bakit pa kasi?!

After 10 minutes ay nakabalik na si Carrie.

 “Sinabihan ko na sya eh maghihintay daw siya sa iyo yanna. May dala pa siyang bulaklak! Tingin ko liligawan ka niya! Sige na nga aaminin ko na, liligawan ka daw niya pero secret lang daw eh kailangan ko naman sabihin sa’yo para ma prepared ka”

 "Yanna, say what you really wanna say. Just be calm and be honest sa harap nya.” Advice ni Christine.

 Naghintay ako hanggang 6pm at lumabas na ako ng gate sa school at nakita ko siyang ngumingiti sa akin habang pinapawisan.

 “Yanna, para sa’yo”

 Binigay ni Mike sa akin ang mga rosas at nagpasalamat ako. Pinapawisan ako sa kaba.

 “Napadalaw ka yata ng biglaan?” tanong ko kay Mike

 “Yanna”

 Hinawakan niya ang kamay ko.

 “I know masyadong maaga pa. October pa nga tayo nagkakilala at December nagsimula lahat eh nanliligaw na ako sa’yo ngayon. Natatakot kasi akong maagawan ng iba. Yanna, alam mo naman lahat tungkol sa nararamdaman ko at sigurado na ako sa  nararamdaman ko. Uhm Yanna Luisa C. Miranda, Can you now be my girlfriend? I promise to give more and be the man you’ll ever need.”

 “Mike, I’m not ready. Natatakot ako.

 It’s not the real reason. I just don’t wanna hurt him if I say I don’t want to, so I made an excuse na natatakot ako.

 “Takot? Saan? Sa itsura kong ito, hindi ako bagay manloko at kahit kalian wala sa plano ko ang saktan ka o lokohin ka.”

 “Basta Mike, huwag muna ngayon”

 The end. Busted siya.

THE REVERSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon