CHAPTER NINE: End of betrayal

5 0 0
                                    

“Ano?! Is that for real?” sigaw ni Carrie.

 It was lunch break and I told Carrie sa mga nangyari.

 “Yanna, you’re a bitch. Naaawa na ako kay Mike, walang hiyang babae ka.” Dagdag ni Carrie.

 Taman naman si Carrie.

 “Yanna, you should stop Kristoff. Or else magtatampo ako sa’yo. You are my bestfriend at ayaw kong maging masama ka”

 “Carrie, alam naman natin dba na she doesn’t like Mike that much and to think mahal niya si Kristoff. Why not let her follow her heart nalang kaya?” biglang sumulpot si Christine.

 Si Carrie at Christine. Ang dalawang bestfriend ko na palaging nagdedebate when it comes to this. Hindi parin natapos ang pagdedebate nila kaya just to adjurn the case, umalis ako at naunang pumasok sa classroom for the afternoon classes.

 It’s already 4 kaya class dismissed! Lumabas na lahat ang mga kaklase ko and here I am naghihintay kay Kristoff. After 10 minutes of waiting, dumating si Kristoff.

Hinalikan niya ako at hinila papunta sa playground.

 “Hoy ano ka ba”

 “Sumunod ka nalang”

 Nang nakarating kami sa playground ay may lumapit na tatlong cute na kindergarten sa akin at inabot sakin ang mga rosas. Ngumiti ako. Shocks! Bakit ba naging ganito siya ka sweet ngayon? Hindi naman siya ganito dati eh.

 “Ikaw ha, inutusan mo pa ang mga bata”

 Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nag-usap kami at kahit saan nalang umabot ang topic naman. Pati mga taong dumadaan sa labas ng gate sa school eh pinagtripan namin. It was fun J It’s already 6:15pm and WOW talagang matagal din kami nagsama.

 “Kristoff, kailangan ko ng umuwi. Tungkol sa sinabi mo kagabi, pag-uusapan ba natin?” tanong ko sa kanya.

 “Aw yes. I want you to forget about it. Mahalin mo kung sino ang nandiyan na para sa’yo. Love him like you never did to me before.

 “Kristoff, ganun nalang ba ang tingin mo sakin? Just because I cheated on you doesn’t mean hindi kita minahal. Alam mo ba ha? First love kaya kita! First kiss! Sa’yo lahat ng first time ko kahit 3rd boyfriend kita. I just made a mistake yet hindi mo na ako pinatawad. You easily gave up on me.”

 “The past is in the past Yanna. Let’s not argue. Maybe hindi talaga tayo para sa isa’t isa”

 Umalis si Kristoff. Umiyak ako then umuwi.

 Tumalon ako diretso sa kama ko at umiyak. And wait, hey! Nakalimutan ko! May boyfriend pala akong e tetext at siguradong puno naman yung inbox ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag and..

 16 MESSAGES RECEIVED

(From: Mike Abejo)

See? Binasa ko lahat ng messages niya and waaaaaaait!! Hinintay pala niya ako sa labas ng school kanina?!! Oh my god! Nagmadali ko siyang tinawagan sa landline (first time kong tumawag sa kanila) at buti naman siya ang nakasagot.

 “baby, napatawag ka?” tanong ni Mike

 “I’m really sorry, nakalimutan kong e check ang cellphone ko, talaga bang naghintay ka?”

 “Oo, pero umuwi na ako mga almost 6. saan ka ba kanina at hindi kana nagrereply?

 “Uhm..”

 OhemG! *formulating alibis! And paak!

 “I was in the library, I got so busy sa article ko sa school paper. I’m sorry.”

 “Okay lang naiintindihan ko, bsta magpaalam ka lang next time para hindi ako mag-alalala.. Sorry din hindi kita sinabihan ng mas maaga na bibisitahin kita. Tinuruan kasi ako ni Mama kanina magluto ng specialty niya sa Manok when I got home from class kaya since paborito mo ‘yon napag-isipan kong dalhan ka.”

 Oh my God. Pinapatay na ako ng consensha ko ha! Suntukin niyo ako pls.! pls. do!

 “Sorry Mike. I’ll make it up to you I swear”

 I was so sincere when I said that to me. Talagang babawi ako, nakokonsensha talaga ako.

 “Really? Sige ha. I’ll be expecting that, baby.”

 First time in history na naging sweet nadin ako sa kanya. Nag “I love you” na din ako sa kanya. Grabi talaga ang naging resulta ng konsensha ko oh.

THE REVERSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon