Before you read this story, make sure that you finished reading One Sweet Night. Thank you.
CHAPTER 1
NAPATINGIN si Carlyne Naoime sa sarili sa mismong harapan ng malaking salamin. Dahan-dahan niyang hinawakan ang mahabang peklat sa dibdib.
Titig na titig siya sa peklat na iyon.
"You're staring at your scar again." Nabigla siya nang makita ang kakambal niyang si Clayrene Belle, nakasandal ito sa pinto ng kuwarto niya.
Mabilis niyang inayos ang damit.
"Why are you here, anyway?" Supladang tanong niya.
"Hindi ako lumipad papunta dito sa America para sa'yo, ha? Pumunta ako dito dahil namiss ko siya." Tugon ng kakambal, naglakad patungo sa malapad niyang kama at kapagkuwan ay patalon na humiga doon.
"Kunwari ka pa, namimiss mo lang ako, eh." Nakangising sambit niya, lumapit sa kakambal at dinaganan ito.
Humiyaw si Clayrene, natatawang sinabunutan siya.
"Alis ka nga diyan!" Natatawang saway nito.
"Aminin mo munang miss mo ako." Tatawa-tawang tugon niya, kiniliti ang kakambal.
"Clayrene, ano ba? Oo na! Miss na kita!" Hiyaw nito.
Humalakhak siya at umayos ng higa sa tabi ni Clayrene. They automatically hugged each other.
"Kailan ka uuwi sa Pilipinas? You already finished your doctorate degree, Dr. Hernandez. Umuwi ka na. Napapagod na akong puntahan ka dito taon-taon, ha? Tama na kasi ang pag-aaral. Enjoy mo na ang buhay, maganda kong kapatid." Nilaro-laro nito ang gilid ng tenga niya.
"Grabe ka. Umuuwi din naman ako taon-taon sa Pilipinas, ah?" Sinimangutan niya ito.
"Oo, pero once or twice a year lang. Masyado kang busy sa pag-aaral mo. Go home now for good, please..." Pinalambing ng kapatid ang boses.
Natural na talagang malambing ang boses nito. Clayrene Belle is not just her twin sister. She's her bestfriend, her companion. They always protect each other. Mahal na mahal nila ang isa't-isa to the point na ayaw nilang mabuhay nang hindi nakikita ang isa't-isa samantalang magkamukhang-magkamukha naman silang dalawa. Their bond is very strong.
"And one more thing, Kuya Claude got married yesterday." Kumislap ang mga mata ni Clayrene, halatang masaya para sa nakakatanda nilang kapatid.
She already heard about it yesterday when her mother, Noime Ysabelle Hernandez, called her through video call and told her everything about Kuya Claude and Baby Lyn's secret marriage.
Alam nilang lahat noon pa man kung gaano kabaliw ang kuya nila kay Baby Lyn. Kaya hindi na nakakapagtaka na gawin iyon ng kuya nila. Kuya Claude patiently waited for Baby Lyn to turned 18, waiting for her to reached her legal age.
"I'm happy for our Kuya Claude. Pangarap niya kaya si Baby Lyn. That girl is sweet and adorable. Napakagandang dilag din. Hindi nakakapagtakang baliw na baliw si Kuya Claude sa kanya." Nakangiting sambit niya.
She plan to call Kuya Claude tonight to congratulate him and Baby Lyn.
"Oo nga pala, anong dala mo? Nagdala ka ng pasalubong? Dinala mo ang paborito niya?" She asked Clayrene.
Lumapad ang ngiti nito.
"Oo naman. Ang lakas kaya niya sa'kin, no. Teka nasaan na ba siya? Mapuntahan nga." Excited itong bumangon at halos patakbong lumabas ng kuwarto.
Naiiling na hinayaan niya ang kakambal, kinuha ang cellphone at tinawagan ang Kuya Claude niya. She congratulate him. Ilang minuto niya itong kausap bago tuluyang nagpaalam.

BINABASA MO ANG
Sweet But Psycho (Completed on Nobelista)
Romance| A VERY MATURED CONTENT | Her path leads to a man who would never fall inlove with her. He's a broken man with a broken heart and soul. He lived his life loving only one woman. He lives in a world where he see is only his wife. He lives in a world...