CHAPTER 2
"KUYA." Inagaw niya ang atensyon ng nakakatanda niyang kapatid pero tila hindi siya nito narinig.
Nanatili itong nakatingin sa kawalan. For the past three years, napalaking dagok ang nangyari sa buhay ng kapatid niya. Her Kuya Claude lost his wife. He lost his world. Malaki ang pinagbago nito simula nang mawala ang asawa ng kuya niya.
Buong pamilya nila ay apektado sa nangyari three years ago. Nang mabalitaan niya ang nangyari noong nasa America pa lang siya ay kaagad siyang umuwi sa Pilipinas.
Her Kuya Claude is never been the same anymore after what happened. He's always sad. He suffered depression. As much as she wanted to help her brother, he always declined. Palagi nitong pinapakita sa kanila na maayos lang ito kahit alam niyang iba ang sinasabi ng mga mata ng kuya niya.
"Kuya..." Muling pukaw niya sa kapatid.
Lumingon ito sa kanya at awtomatikong ngumiti. Ito na naman ang kapatid niya, pinapakitang maayos kahit hindi naman.
"Clayrene..." Sambit nito, pareho silang natigilan.
Parehong nabigla dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi siya kaagad nakilala ni Kuya Claude. Nangangahulugan na wala sa focus ang isip ng kuya niya.
Maliban sa mga magulang niya, sa kakambal niyang si Kuya Clayton at mga malalapit niyang mga kaibigan ay ang Kuya Claude niya ang mas nakakakilala sa pagkakakilanlan nilang dalawa ni Clayrene Belle.
Ilang beses itong napakurap at kapagkuwan ay napabuntong-hininga.
"I'm sorry, Carlyne." Mahinang usal ni Kuya Claude.
Ngumiti siya at nakakaintinding tumango.
"How are you, Kuya?" Nilapitan niya ito, malambing na niyakap.
"I'm fine, sweetie." Tugon ng kapatid, ginantihan ang yakap niya.
Lihim siyang ngumiti.
"Gusto mong uminom? I'm free today." Aniya sa kapatid, tiningnan ito sa mga mata.
"Nah." Umiling ito. "Knowing you...you'll use your ability on me, Carlyn Naoime. I told you, I'm okay." Napasimangot siya sa sinabi ng kapatid.
Her brother is smart. Alam na alam nito ang pinaplano niya. She just want to ease his pain. Gusto niya itong tulungan pero sa tuwing tinatangka niya ay nahuhulaan ng kapatid.
"Gusto ko lang naman uminom." Pagdadahilan pa niya.
Ginulo ni Kuya Claude ang buhok niya.
"Magpahinga ka na. Maaga akong aalis bukas." Anito, pinisil ang tungki ng ilong niya.
Ngumisi siya.
"Why? Excited to see your new secretary?" She teased her brother.
Her Kuya Clayton told her about Kuya Claude's new secretary named Nathalie. Masipag nga daw pumasok si kuya sa opisina nito kahit hindi naman iyon gawain ni Kuya Claude. And she noticed that Kuya Claude looked bothered these past few weeks. Parang palaging may gumugulo sa isip nito.
"Go and rest now." Pagtataboy ng kuya niya.
"Opo." Malutong niyang hinalikan sa pisngi si Kuya Claude.
Kumunot ang noo nito.
"Kailan ka mag-aasawa?" Bigla ay tanong nito.
Uminit ang buong pisngi niya.
"I'm enjoying my single life." Tugon niya at pasimpleng nag-iwas ng tingin.
"Wala ka pang boyfriend?"

BINABASA MO ANG
Sweet But Psycho (Completed on Nobelista)
Romance| A VERY MATURED CONTENT | Her path leads to a man who would never fall inlove with her. He's a broken man with a broken heart and soul. He lived his life loving only one woman. He lives in a world where he see is only his wife. He lives in a world...