Dinig
Inaamin kong hindi ako maayos na nakatulog nang gabing ‘yun. Ang bawat narinig ko kay Jace ay tumatatak sa akin. Nagmamarka ang mga ‘yun at paulit-ulit kong naririnig sa isip ko.
Nagtataka ako magpasahanggang ngayon kung bakit ganoon ang lagi niyang epekto sa akin. Bakit kakaiba lagi ang dulot niya sa akin? Posible ba talaga ang ganitong pakiramdam?
Pinilit ko na lang ang sarili kong makatulog. Pinangako ko pa naman sa sarili ko na gagawin kong memorable ang unang sleepover namin ni Athena. Totoo nga, hindi ko makakalimutan ito kahit kalian. Ang mga salitang nagmula kay Jace ay mananatili yata sa akin nang matagal.
Kinabukasan ay late na kaming nagising. Titignan ko sana ang oras sa cellphone ko pero hindi ito bumubukas. Doon ko napagtantong lowbat pala ito, kaya naman tumayo ako mula sa pagkakahiga para i-charge muna ito.
Mahimbing pa ring natutulog si Athena. Madaling araw na kami nakatulog. Marami pa kasi kaming ginawa pagkatapos naming gumawa ng slime. Napagod kami ng sobra sa mga kagagahan namin.
Dumiretso ako sa banyo para maghilamos. Dinala ni Athena ang skin care niya para may magamit siya, katabi ito ng sa akin. Nakakatawa nga dahil akala mo’y nag-alsa balutan siya at lumayas ng bahay. Napakarami niyang dinala, palibhasa ay excited kami dahil unang beses namin.
Plano na namin ito noong grade 9 pa lang kami. Nakalista na ang mga gusto naming gawin para sa huling taon ng junior high school namin. Sana lang ay magawa naming lahat, sa senior high school kasi ay baka hindi na kami magkaroon ng oras. Pagsisikapan namin…
Nang makalabas ako ng banyo ay saktong paggising naman ni Athena. Si gaga napatulala pa dahil bagong gising. Nakakatawa ang itsura niyang nakatulala sa kawalan.
“Morning, gurl…” bati ni Athena sa kawalan.
“Morning,” natatawa kong tugon. “Maghilamos ka na para makapagbreakfast na tayo, nagugutom na ko.”
Agad siyang tumayo sa utos ko. Pero bago pa siya tuluyang makapasok si banyo ay humabol pa ako ng tanong.
“Anong oras kang susunduin ni tito?”
“Mamayang ten pa,” ani Athena.
Pumasok na rin siya nang masagot niya ang tanong ko. Ako naman ay dumiretso sa dresser para magsuklay. Napansin ko ang biglaang pagbukas ng cellphone ko, hudyat na may nagtext. Agad ko namang napansin sa notifications ang laman ng message.
From: Jace Research
Do you have plans today?
11 minutes ago
Napahinto ako sa pagsusuklay. Iniisip ko pa kung rereplyan ko ba siya. Hindi ko maiwasang magdalawanng isip, lalo pa’t hindi ko alam ang sasabihin.
Napili kong buksan ang message niya. Nag-isip ako ng sasabihin at masyado yata akong natagalan. Sasagutin ko na lang siguro ang tanong niya.
To: Jace Research
Wala naman. Bakit?
Sent. 8:56 A.M
Nakahinga ako nang maluwag nang mesend ang reply ko. Parang nakaramdam ako ng ginhawa dahil tapos na isang malaking pagsubok sa akin. Pinulot kong muli ang suklay para sana magpatuloy pero tumunog na naman ang cellphone ko.
From: Jace Research
Do you really don’t know o nakalimutan mo?
Seen. 8:57 A.M
BINABASA MO ANG
She's That Paltry
RomansaJace Nimrod Dela Fuego is the man of certainty, aside from the fact that he is also the man of Meana's dreams. She'll risk everything for him. Secretly cares for him. But, she can't tell anyone that she likes him because she knows he won't reciproca...