"waaaaah anong oras na ba?!"
umaga na pala at oo kailangan kong pumasok. Dating gawi, kailangan ko ng maghanda para sa sarili ko dahil ayokong maging pabigat kay mama. Si mama dalawa work nya, isa sa umaga isa sa gabe. Sa umaga secretary sya sa isang company, tas sa gabe serbidora sa isang karinderya, ganyan kasipag mama ko para makapagaral ako. Buti nga mabait mga amo nya, naiintindihan yung sitwasyon namen. Kahit di ganun kame kapayak mamuhay okey lang basta kasama ko mama. Kung nagtataka kayo kung bakit wala akong ama y dahil di ko naman sya nakita since birth. Sabe lang ni mama di na daw nagpakita tatay ko pagkatapos nyang malaman na pinagbubuntis na ko. Saklap naman ng buhay ko. Ganun talaga, life goes on ika nga nila.
Ako nga pala si Yusharee Lara Del Prado, pero Lara lang tawag nila saken kase di daw bagay saken ang Yusharee, pang sosyal daw na pangalan. 15yrs old pa lang ako, 3rd year high school sa Grand Lyrica University. Scholar ako kaya nakakapagaral ako sa exclusive school na yun. Ayoko naman talaga mag-aral dun eh pero mapilit si mama, gusto nya kase makapagtapos ako ng high school sa isang magandang eskwelahan. May point sya dun kaya lang wala na ko magagawa kaya konting tiis lang.
Nagluto muna ko para sa agahan ko, sinangag at itlog solve na ko, lage na akong mag-isa kumakaen ng agahan dahil maaga pa lang umaalis na si mama. Sanay na ko sa ganung sitwasyon. Tsaka kailangan kong kumaen ng marami kase mamaya sasabak na naman ako sa kakaibang sitwasyon, ay di na pala kakaiba yun kase araw araw naman nila ginagawa saken yun eh. Ang I-BULLY.
Lara POV
"haay salamat di pa ko late" bulong ko sarili ko.
"Hoy Lara! pakopya nga mamaya, kundi tatamaan ka saken! " sabi ni joshua
Si Joshua ang dakilang bully dito sa school namen, walang sinasanto yan. Maton daw sya eh. Haha. Ako nga lage biktima nyan eh. Pero sanay na ko. 3yrs na ganun ang sitwasyon ko.
Naalala ko nga pala may Quiz sa Chemistry kaya pala ganun. Kahit scholar ako, kailangan ko pa din magreview kase tao lang naman tayo minsan nawawala din ang stock knowledge, you know? Hehe ^__^
Habang naglalakad sa hallway, nakasabay ko lang naman ang bratinella ay este bait baitan kong classmate na si Claire Alcantara. Popular sya sa buong school, maganda, sexy, mayaman. Queen bee kung baga. Actually pag tinotopak din yang babaeng yan, binubully din ako. Ganun talaga. Masyado syang maraming friends at lahat sila sosyalin. Mula sa mamahaling bag, sa damit, sapatos accessories at lahat ng kaartehan sa katawan. Ako kase nakasalamin, lage lang nakapusod ang buhok tas lage lang luma damit ko. Siguro twing pasko lang ako may bago, pero ukay ukay pa yun.
"OMG wag mo nga kameng sabayan Lara! Di ka samen belong noh! Shooo! Ughhh!" Si Claire yun.
Ayaw nun kase na may kasabay syang maglakad lalo na pag hate nya. Okey ako na hate nya -___-
Eto na po tayo, papasok na naman ako sa classroom. Eto pa ang matinde, wala akong katabi, yung feeling na para kang may virus o may nakakahawang matinding sakit. Aist para saken okey lang kase nakakapagconcentrate ako sa pag aaral ko. Lahat kase ng nag aaral dito sa school mayayaman. Ako lang ang dukha, oo dukha talaga sa paningin nila.
"Okey class, be ready. Magququiz na tayo". Ms. Perez, yan ung teacher namen sa chemistry.
Haays buti na lang nakapagreview ako.
"Psssst!"
Sino yun? Ang lakas pa ng pst nya.
"Pssssst!"
Sabay bato saken ng papel. Lumingon ako kung sino, si Joshua lang pala, alam ko na kung bakit nya ko tinatawag. Kase gusto nyang mangopya. -____-
"Lara, pakopya." Sabe ni joshua ng mahina ang boses.
Pangalawa sa likod ko ung upuan nya kaya ang lakas ng loob nyang mangopya. Bute nga di kame nahuhuli ni Ms. Perez eh kundi lagot kame. Di naman lahat kinokopya nya, basta yung alam nyang makakapasang awa sya pede na sa kanya yun.
Natapos na ang ang tatlong subject. Haays lunch na.
Di ako kumakaen ng kanin sa tanghalian kase lage naman sinangag agahan ko kaya tatlong tinapay na may palaman na keso lang ang lunch ko.
"Saan kaya pede tumambay? Ayoko naman sa canteen, baka mabully lang ako." Lara
Naglalakad muna ako habang kumakaen ako ng tinapay ko. Napansin ko bukas ang Auditorium namen. Dun na lang kaya ako tumambay. At tama nga ako, mag-isa lang ako dito.
"Yun oh!" Sabay upo tas taas pa paa.
"Lage kaya tong bukas? Sana araw araw para dito na lang lage ako pag break ko". Sabe ko sa sarili ko.
Tahimik dito, pero nakakapagtaka lang kubg bakit bukas ito. Pero hayaan mo na atlis pede ako dito na walang sasagabal saken.
After 30mins bumaba na ko para di malate sa next subject.
Pagpasok ko ng classroom, grabe ingay nila parang palengke. May nagbabatuhan ng papel, may nagpapatugtog, basta maingay.
Pumasok na yung sumunod na teacher. At ayun boring, lecture dito, paseatwork dun. Haaays. Nakakatamad.
After ng madugong lecture sa geometry, yehey uwian na!
"Lara! Igawa mo nga ko ng assignment!" Sabe ni Claire.
"Ah Claire pasensya na, madame kase kong gagawin naun, tutulungan ko pa kase si mama maglaba mamaya" Ako
"And so?" Mataray na sagot ni Claire
"Di ko na kase misisingit yan. Next time na lang claire pasensya na" Ako
Tumalikod na ko sa kanya pero, may humila ng buhok ko.
"Aray! Aray! Aray masakit!" Ako
"Talagang masasaktan ka pag di mo ginawa assignment namen" sabe ni Kendra na kabarkada ni Claire.
"O ano Lara? Igagawa mo ba kame ang assignment oh, ngudngudin kita sa sahig?" Pagbabanta ni Claire saken.
Nangingilid na luha ko sa totoo lang. Masakit ang paghawak ng buhok saken ni Kendra, pero ano magagawa ako. Wala naman akong kakampi, kahit nakikita na ng iba kong classmates ang ginagawa nila saken, wala silang pakialam. Kahit kelan, Walang nagtangkang tulungan ako. T_T
"Ano sumagot ka Lara! Magshoshopping pa kame oh!" Claire,
Tumango na lng ako. Sabay tulak saken. Tumama siko ko sa Platform namen. Grabe ang sakit. Huhuhu T_T
"Oh ayan, lima kameng gagawan mo. Ayusin ah! Kundi malilintikan ka saken Lara!" Claire,
Sabay hagis saken ng mga notebook nila.
Napaiyak na lang ako nung nakaalis na sila. Wala akong pakialam kahit pagtinginan ako ng mga estudyanteng dumadaan. Yung iba naawa, yung iba nakikiisyoso lang, tas yung iba pa nga pinagtatawanan ako.
Ganito talaga eh, ganito ako maglabas ng sama ng loob. Ang umiyak...
Kahet ako, ayoko ng kinakaawaan ako.
Oo binubully ako pero di ako nagpapaawa sa ibang tao.
Tumayo na ko para umuwe, pero naalala ko, may galos nga pala ko sa siko. Dahil sa pagkakatulak saken.
Haays. Ano nman kayang idadahilan ko kay mama. Tapos mapupuyat pa ko kase gagawa ako ng mga assignment na di naman saaken.
Paglabas ko ng school madilim na pala. Mahirap na naman sumakay neto. Samantalang mga classmates ko de kotse. Sila na talaga.
"Tomorrow is another day" yan na lang nasambit ko habang nagaantay ng jeep.
----------
Hey guys! Sana maenjoy nyo yung story, sarap sabunutan nila claire noh? Well may araw din sila! Chos! Haha. Till next update. Salamat.
[SweetGee] ^_____^
BINABASA MO ANG
A Weak girl turn into Monster
Novela JuvenilSimula pa lang alam ko na weak ako. Oo aminado naman ako, ako yung tipo ng tao na di marunong lumaban at sumagot twing may nangbubully saken. Pero lumipas ang mga taon di ko aakalain hahantong ako sa paghihiganti, Yes Sweet revenge kung baga. Pero d...