LARA POV
"Pabili po." ako
"Ano yun?" Sabe nung tindera
"Tatlo pong band aid." ako
Pagkatapos iabot saken yung mga band aid, kumuha ako ng isa para ilagay sa siko ko.
Habang naglalakad pauwe sa bahay, di ko pa rin maiwasang isipin yung nangyari kanina. Haayss... kelan ba mababago sitwasyon ko? Pero sabe nga nila, konting push na lang, gagraduate din ako. Aja!!! ^___^
Pagpasok ko sa bahay namen, nakita ko si mama nagpapahinga. Lumapit na lang ako at hinalikan ko sya sa noo. Ang swerte ko pa din kahet papano kase andyan parin si mama sa tabi ko. Kaya lahat gagawin ko para balang araw di na sya maghihirap sa pagtatrabaho kase ako na gagawa nun para sa kanya. Mahal na mahal ko ata mama ko noh.
Nilapag ko muna mga gamit ko para makapagbihis. Ako na lang muna magluluto ng hapunan. Pagkatapos ko magluto, ginising ko na si mama para kumaen.
"Mama gising na po, kaen na po tayo". Ako
"O anak andyan ka na pala, di ko napansin nakatulog na pala ako." Si mama
"Mukang pagod na pagod po kayo, tara po, pinaghain ko na po kayo." Ako
"Salamat anak ah, ang swerte ko at naging anak kita" si mama
"Hala si mama nambola pa" ngiting sabi ko.
Nagsimula na kameng kumaen.
"Anak, kamusta sa school?" Tanong ni mama.
Okey, kailangan ko na naman magsinungaling. Ayoko kaseng mag-alala sya. Dagdag problema p nya yun.
"Okey naman po, consistent pa rin po grades ko" sagot ko.
"Eh anak nga pala, bakit wala pa kong nakikita na pumupunta na kaklase mo dito?" Takang tanong ni mama.
Nako patay! Ano sasabihin ko sa kanya. Di ko naman pwede sabahin sa kanya na wala akong kaibigan sa school tska lage akong binubully. Baka biglang sumugod yan dun. Mas lalo akong pag-initan. -___-
"Ah... eh... Lage po sila kaseng nagmamadali umuwe tska po iba po kase yung way nila pauwe kaya ganun mama" pilit na ngiti na lang nagawa ko.
"Ah ganun ba anak?" Si mama
"Mababait naman ba sila sayo? Di ka naman ba nila inaaway?" Tanong ulet ni mama.
Isip isip Lara, kailangan naten ngayon si palusot.com
"Hindi naman po ma, mabait sila saken lahat (sa kabaliktaran). Lage nga po nila ako kinakausap eh. (para nga akong virus eh -_-) okey na okey po sila" sabay thumbs up kay mama.
Sana maniwala si mama sa mga palusot ko. Wew..
"Ah buti naman anak" tumango na lang si mama.
Pagkatapos kumaen ako na lang sana maghuhugas na mga pinagkainan pero sabe ni mama gawin ko na lang daw mga assignments ko. Actually isa lang naman assignment ko kaya lang nadagdagan dahil kina Claire. -________-
Pagpasok ko sa kwarto ko, ginawa ko na lahat ng dapat gawin. Gusto ko na kase magpahinga. Sa totoo lang di naman ako nahirapan gawin yung mga assignment na yun kase sisiw lang saken yun. Di naman sa pagyayabang pero matalino talaga ako. Bwahahaha. Okey baliw mode na naman.
"Yan tapos na!" Ako
Niligpit ko na mga gamit ko para bukas.
Paghiga ko sa kama, napikit ako agad.
Kinabukasan.......
Maaga ako nagising para maghanda papuntang school.
Habang nakasay ng jeep, di ko maiwasang tumingin dun sa magjowang PDA lang naman harapan ko. Haller nag eexist po ako.
Apat lang kase kameng pasahero sa jeep isang matandang babeng pero mukang nakatulog na, isang estudyante pero naka head phones kaya wala syang pakialam sa paligid nya. At eto ako, sa harap ko lang naman yung dalawang PDA na magsyota. Napapailing na lang ako.
Sa totoo lang kase di pa ko naiinlove. NBSB po ako. Tska para saken kakornihan yun. Yuck! Pag aaral muna aatupagin ko. Kung darating man si right guy for me, dun na lang magdedesisyon! Choz!
"Ma para po!" Ako
Bumaba na ko ng jeep. Nag inat muna ko bago pumasok sa gate ng school.
lakad...
lakad...
lakad...
Teka bakit dameng nagkukumpulan na mga estudyante? Ano meron?
"waaah may transferee daw! Super gwapo! kyaaah!!!!"
"Oo nga daw eh. Galing daw sa states."
"Sana kaklase naten sya"
"Sira 3rd year daw"
"Ay ganon. Seyeng nemen"
Yan lang naman naririnig ko sa mga usapan nila. So what kung may transferee. Pssss. Kung gwapo, sus madame din nman gwapo dito sa school ah. Mayayabang nga lang. Hahaha.
Pagpasok ko sa classroom, bumungad agad saken yung grupo nila Claire.
"Hoy Lara! Ang tagal tagal mo naman! Asan na yung pinagawa namen sayo ha? Amin na dali!!!!!" Si Claire, sabay lahad ng kamay nya. Sign na hinihingi na nya yung mga pinagawa nila.
"Claire oh." Ako
Sabay hablot saken nung mga notebook. Grabe wala man lang thank you. Sabagay kahit kelan naman di sila nagthank you saken. Asa pa ko.
Umupo na ko sa pwesto dahil lapit na dumating yung teacher. Madame pa rin nagbubulungan, hot topic nga talaga yung bagong transferee.
Dumating na yung teacher namen. Sa wakas. Late kaya sya ng 15mins.
"Okey class, Sorry kung late ako. Tinawag pa kase ko registrar' office. Alam nyo na siguro yung tungkol sa mga bagong transferee right?" Yung teacher.
"omg! magiging kaklase natin sya!"
"ang swerte naman naten!"
"sana mapansin nya ko!"
"Class, quiet. Alam ko all of you excited na. Di ko na patatagalin pa." Yung teacher.
Ayun maraming kinikilig. Grabe parang walang bukas mga teh.
Nung may pumasok sa classroom lahat kame natahimik, isang super cute na babae ang nasa harapan namen. Muka syang manika sa totoo lang. Spell nganga? Ako yun eh. O_O
"Hi! I'm Clover Nadie Cardams. Nice to meet you! You can also call me Clover for short." ^__^
Grabe di lang pala sya cute, ang ganda nya talaga. Pati smile nya perfect. *__*
"Ahmm anyway, di lang ako magiging new classmate nyo. I would like all of you all to meet my twin brother.....
Sabay sabay kame nagtinginan sa may pinto.
Lahat kame ganito reaksyon --> 0______0
......here is my twin brother. Spade."
Dug! Dug! Dug! Dug! Napahawak ako sa dibdib ko. Teka anong nangyayari saken? Bakit ganito? Bakit slowmo ang nakikita ko ngayon? Nababaliw na ata ako.
"Ahmm Hi i'm Spade Warren Cardams. Spade would be better for short.".....
....
....
.......
"Waaaaah! Shet ang gwapo nya!!!"
"Ang hot din nya!"
"Grabe sana makatabi ko sya!"
At ako. Literal na NGANGA...
~~~~~~
Hello guys! Siguro wafu wafu nga ni spade. Hehe. Till next update. Thank you sa mga nakabasa. This is my first time. Sana maging success. I love you guys! :*
^_______^v
BINABASA MO ANG
A Weak girl turn into Monster
Ficção AdolescenteSimula pa lang alam ko na weak ako. Oo aminado naman ako, ako yung tipo ng tao na di marunong lumaban at sumagot twing may nangbubully saken. Pero lumipas ang mga taon di ko aakalain hahantong ako sa paghihiganti, Yes Sweet revenge kung baga. Pero d...