PROLOGUE

9 2 0
                                    

"tang ina naman! Ano sa tingin mo ginagawa mo Angelique , Andon ang owner sa party. Pero anong ginawa mo? Di ka ba nahihiya? Wala ka na bang kahihiyan na natitira dyan sa katawan mo? For goodness sake! Mamili ka naman ng lugar na pwede ka mag Eskandalo"! singhal ni Marvin.
" Bakit? Ikaw hindi ka napapahiya ha marvin? Andon ako. Pero bakit ang lakas mong makipaglandian? Oo kitang kita ko sa mga mata mo! Ang lagkit mong tumingin! Babaero ka talaga!" Sigaw ko.

Lumakad si marvin at kinuha ang mga gamit nya.
" Bahala ka na sa buhay mo. Dun muna ako kina mama tutuloy. Ang hirap mong intindihin angelique. Tawagan mo nalang ako pag di ka na napapraning!" Sabay labas ng bahay .

Oo tama kayo. Bungad palang nang kwento ko away agad. Ganyan ang daily routine namin ng asawa ko. Sigawan dito. Murahan don. Kung uso lang samin ang salitang bugbugan, baka ginawa na rin namin yon. Naalala ko non nung nililigawan palang ako ni marvin halos sungkitin nya mga bitwin para lang mapasagot ako. Pero ngayon halos isumpa na nya ako. Bakit ? Kasalanan ko ba na mawalan na ako ng tiwala sa kanya? Mula ng lokohin nya ako?

Umakyat na ko sa kwarto ko. Oo kwarto ko kasi simula ng lokohin ako ng asawa ko di ko na maatim na sumiping pa sa kanya. Wag nyo sanang sabihin na ang tanga ko bat ayaw ko pa syang iwan kung ganto lang naman ang ginagawa nya sakin. Kahit ipaliwanag ko sa inyo di nyo din naman maiintindihan hanggat di nyo pa nararanasan magmahal ng todo todo.

Nagbukas ako ng bote ng whisky. Gusto kong malasing ngayon. Gusto kong mamanhid ang buo kong katawan para kahit sandali lang mawala yung sakit na nararamdaman ko  makalimot ako na mahal na mahal ko ang asawa ko na kahit  ang sakit sakit na mas pinipili ko pa ring manatili sa tabi nya. Kahit nagmumukha na akong gago na kahit harap-harapan nya kong gaguhin okay lang, mahal ko eh diba? Ganon naman talaga pag magmamahal diba? Kailangan mag sakripisyo.

Pero hanggang kailan ko to makakaya?
Sana kayanin ko hanggang sa maalala nya na mahal nya ako.

DI LANG IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon