DI LANG IKAW -3

5 1 1
                                    

Nakapag-invest na rin kami sa negosyo ni sophia. Since share silang dalawa sa negosyo na yun ni sophia. Lagi silang magkasama. Wala naman siguro yun , natural lang naman na magkasama sila lagi diba? Since share na din sila sa pinapalakad nilang resto?

MARVIN POV--

Hays . Nagka POV din akala ko puro nalang si angelique eh. Salamat at napansin mo ako author. Hehehe.

Andito ako ngayon sa Resto na pinapalakad namin ni sophia. Since share naman na kami dito. Ang daming costumer ng resto na to at napakabenta talaga mga sosyal kasi ang mga costumer dito 5 star ba naman eh.
Malapit na kaming magsara ng magyaya si sophia na mag party daw kami dahil mataas ang deed of sale namin. Kaya sige pumayag ako.

"Hello hon? Baka ma late ako ng uwi ha. Kasi may party kami ngayon. Mataas kasi ang sale ng resto. Papaparty daw si Sophia. Wag mo na ko intayin uuwi nalang ako okay?" Tinawagan ko si ange. Baka kasi magintay pa sya sakin eh di ko naman alam kung anong oras ang eksaktong dating ko.

"Marvin , tara na? Sakay ka na sa kotse ko. Mag cocommute nalang daw ung mga empleyado natin." Tawag sakin ni sophia.
"Uhm, sure!" Pagpayag ko.

At nakarating na nga kami sa Bar at kung anong bar. Hindi ko din alam basta dito banda sa may cubao. Medyo may karamihan ang tao. Mga nagsasayaw , tawanan, amoy alak usok dito, usok doon.
Naglalakad na kami papasok ng mapatid si sophia. Buti nalang nasambot ko sya.

"Ouch! Thankyou marvin" habang nakangiti si sophia.
Napatango nalang ako at napangiti. Di ko naikwento sa inyo. Na bago naging kami ni angelique , naging kami ni sophia. And yes. 3 years din naging kami ni sophia. And hindi alam ni angelique yon. Considered as cheating na ba yon? Hindi naman siguro. Malisyoso lang kayong mga reader.

Nakaupo na kami at naka order na din si sophoa ng drinks.

"Congratulations! Alam nyo naman siguro bakit ako nagpaparty ngayon? It's because of our sale! Kaya sige magpakalunod tayo ngayon sa alak! Cheers!" Sabi ni sophia.

Nakakailang bucket na kami ng beer. Medyo hilo na ako. Si sophia lasing na din. Minsan nahuhuli ko syang nakatitig sa akin di ko din maiwasang di mapatingin sakanya. Ang laki ng pinagbago no sophia. Gumanda pa sya lalo, at talagang mapapatingin lahat ng lalaki sa kanya.
"Marvin. Sayaw tayo!" Sabi ni sophia
"ha? Ah eh di naman ako marunong sumayaw sophia." Sabay kamot sa ulo.
"Dali na. Tara na! Wag kang kj marvin. " Sabay hila nya sa kamay ko.

Nasa gitna kami ngayon at nagsasayaw na parang ewan ..
"Marvin, its been a long year. Ang liit ng mundo no? Parang dati tayo lang. Ngayon may angelique ka na. Ang swerte nya, ikaw ung pangarap ko non hanggang ngayon. Pero ngayon sya ng ang may hawak sayo" diretsong sabi ni sophia.
" Sophia. Lasing ka na ata. Di mo na yata alam ang sinasabi mo." Sabi ko.
"Wag ka ngang impokrito marvin. Matagal ko na kayong hinahanap ni angelique and lucky me one time nagtagpo kami ni angelique. Di mo ba alam na ikaw agad ang tinanong ko sa kanya? Mahal kita marvin hanggang ngayon kaya pinilit ko na mag invest kayo sa negosyo ko. Kasi gusto kong lagi kang kasama." Sabi ni sophia

Alam kong may tama na sya ng alak. Di ko alam ang isasagot ko pero parang may kumirot sa puso ko nung sinabi nyang matagal na nya akong hinahanap.
"Ang sakit lang marvin , pagkauwi ko galing london nalaman kong ikinasal kayo ni angelique. Ang sakit marvin. Mahal pa kasi kita. After all this years na dumaan ikaw parin laman nito" sabi nya habang itinuturo ang puso nya.

DI LANG IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon