DI LANG IKAW - 4

5 1 3
                                    

"Look sophia. Lasing ka na. Hindi mo na yata alam ang sinasabi mo. Tara na, ihahatid na kita sa inyo" sabi ko na medyo may tama na rin ng alak.
At isinakay ko na sya sa kotse nya

"Marvin, ikaw ba? Mahal mo pa ba ako?" Huling tanong ni sophia bago sya tuluyang makatulog.
Nandito na kami sa tapat ng bahay nya. Past 12am na bababa na sana ako nang mapatitig sa mukha ni sophia. Hindi na ko magpapakaplastik pero ang ganda ni sophia maganda ang hubog nang katawan nya, ang laki ng pinagbago nya, aakma na sana ako ng pagbukas ng kotse ng

Bigla akong hilahin ni sophia at nagdikit ang mga labi namin.

Pilit akong kumawala. Pero di ko napigilan ang sensasyon na nararamdaman ng katawan ko, lalaki lang ako. Di ko mapigilan. Pero mali to. Kasi may asawa ako. Maling mali

"Marvin, payag ako. Kahit maging kabit lang ako. Please marvin tayo nalang uli. Pramis walang makakaalam tayo lang" sabi ni sophia
"Sophia mali to. Mali tong ginagawa natin may asawa ako, hindi ikaw yung tipo ng babaeng gagawing kabet lang. Please sophia tigilan mo na to. May asawa ko." Sabi ko.
"Alam ko marvin, may asawa ka. I can, kaya ko kahit maging other woman mo lang ako. Mahal na mahal pa din kita marvin. Please marvin kailangan kita." Sabi nya sabay halik sa akin

Ipinasok ko na sya sa kwarto nya. At nangyari ang mga bagay na hindi dapat mangyari.

ANGELIQUE POV

Nagising ako nang makaramdam ako ng matinding pagkauhaw. Napatingin ako sa relo 3am na pala pero wala pa rin si marvin, grabe namang party yon. Kinuha ko ung Cellphone ko para tawagan si Marvin.
" The subscriber you are calling is currently not available please try your call later".

Ha? Patay ang Cellphone nya? Lowbattery na siguro sya.
Pero pwede naman syang magcharge ha? Hay nag aalala na ako. Ni isang text wala.

Si sophia kaya ang tawagan ko?
" The subscriber you are calling is currently not availabel please try your call later"
Patay din? Ano ba sila? Hindi manlang mag charge ng mga cp nila. Hays nag aalala na ako.

Nanginginig ang katawan ko siguro dahil sa pag aalala pero parang may iba eh.

Kalma self. Nagkataon lang yon. Wala yon.

Tinawagan ko yung isang empleyado.

"Hello chris? Tanong ko lang sana. Kung nakita mo si marvin? Kasama nyo pa ba sya? Hindi nya kasi ako tinext o tinawagan manlang medyo nag aalala kasi ako eh".
" Ah si sir po? Eh kanina pa po sya wala. Inihatid po nya ata si mam kasi lasing na po si mam eh. Mga 1am po nauna na po sila samin. Bigla lang po sila nawalang dalawa kaya po nagsipag uwian na din po kami". Sabi ni chris
"Ah ganon ba? Sige salamat at pasensya sa abala." Sabi ko

Marvin asan ka ba? Asan kayo ni sophia? Anong ginagawa nyo? Bakit kasama mo sya? Bakit magkasama kayo? Bakit?
Napahalukipkip nalang ako at di ko na namalayan na nakatulog na ako.

DI LANG IKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon