Kung hindi ka na masaya— bumitaw ka na,
Kapag sumusobra na at nahihirapan ka na.
Kapag nasasakal ka na at luhaan na ang iyong mata.
Kung hindi ka pa rin sigurado kung ano ka nga ba para sa kanya.Tanggap mo ba na option ka lang pala?
Pampalipas-oras habang wala pa ang tunay na sinisinta?
Kung ramdam mo na nag-iba na— bakit nariyan ka pa?
Sumuko ka na— bitawan mo na siya!Marami pa ang pwede mong maibigan,
Maraming kamay pa ang pwede mong hawakan.
Bitawan mo na ang pangako niya na walang kasiguraduhan,
Sapagkat sa huli ikaw lang ang masasaktan.Sa mga panahong ipinaramdam niya na hindi ka sapat,
Kahit na binigay mo naman ang lahat.
Bumitaw ka na— isarado na ang bitbit mong aklat,
Nahulog sa maling tao— maling aklat pa ang nabuklat.Tandaan mo na ang dalawa mong kamay,
Hindi ibinigay ni Bathala para palagi kang magbigay.
Karapatan mo din ang tumanggap ng pag-ibig na tunay,
Bumitaw ka na— kaligayahan mo na ang nakasalalay.