Kaibigan, Nasaan Na?

5 1 0
                                    

Mahal kong kaibigan,
Bakit na gawa mo akong iwanan?
Di ba meron tayong sinumpaan,
Ngunit tila ba ay iyong kinalimutan.

Nasaan na ba ang mga pangako mo?
Bakit ito ay biglang napako?
Parang bula na biglang naglaho,
Mga luha'y nagsiunahan sa pagtulo.

Sayang ang tatlong taon,
Sa limot ay iyong ibinaon.
Sa kalungkutan ay nais kong umahon
Iindahin ang hampas ng mga ahon.

Nagkajowa ka lang bigla mo akong iniwan,
Batid kong hindi ito makatarungan.
Pero agad mong winakasan,
Di man lang na isip na ako ay maaaring masaktan.

Salamat nga pala sa ating mga alaala,
At sana'y mag-iingat ka.
Sana'y magiging masaya ka kung nasaan ka man ngayon
Sana'y muli tayong magkita sa pagdating ng panahon.

Lagitik Ng Mga Titik Where stories live. Discover now