Ang araw ay sumikat na,
Natuyo na ang luha sa 'king mga mata.
Ang aking mga mata ay namamaga,
Sapagkat iniiyakan ko pa rin ang iyong pagkawala.Pinagmamasdan ko ang iyong literate,
At ako'y umaasang babalik ka sa piling ko.
Ako'y umaasa na sa bawat pagsikat ng araw,
Muli kitang matatanaw.Ako'y labis na umaasang masisilayan ka,
At muli kong makikita ang ngiti mong nagdadala ng sigla.
Ako'y umaasang muli kang mahahawakan
At kung dadating man ang panahong yun, di na kita bibitawan.