Pusong Sinayang

7 1 0
                                    

Naalala ko pa ang panahong nililigawan kita
At napagtanto kong ako ay nagpakatanga.
Inubos ko kasi ang laman ng aking pitaka
Mapasaya lang kita.

Napasaya naman kita di ba
Pero bakit naghanap ka pa ng iba?
Oo, alam kong manliligaw mo lang ako at hindi mo ako jowa
Pero bakit nagpakita ng motibo na ako ay may pag-asa?

Akala ko ako ay may pag-asa
Kaya ako ay labis na umaasa
Pero isa lang pala itong maling akala
Sapagkat may mahal kang iba.

Hindi naman ako hangal
Bakit napamahal ako sa taong hindi ako mahal?
Natuto akong sumugal
Kahit na alam ko naman na ito ay hindi magtatagal.

Alam kong makakahanap din ako ng taong mamahalin ko
Gaya ng pagmamahal ko sayo.
At makahanap ka ng taong kagaya ko
Ngunit hindi niya kayang pantayan ang pag-ibig na minsan kong inalay sayo.

Sinayang mo lang ang puso ko
Ang puso ko na nagmamahal ng tapat sayo
Binigay ko ito sayo ng buo
Ngunit ito ay winasak mo.

Lagitik Ng Mga Titik Where stories live. Discover now