Feb 25, 2015
"Diane, mag-saing ka na. Mamaya ka na diyan mag cellphone!" Rinig kong sigaw ni Mama.
Nasa kama ako habang nakadapa at nanonood ng wrong turn... Medyo nakakadiri dahil kinakain nila yung tenga ng tao o parte ng tao. Ano kayang lasa nun?
"Ito na po Ma!" Nasa 2nd floor kasi ako habang si Mama naman ay nasa 1st floor kaya kailangan talaga naming mag sigawan para magkarinigan.
Tumihaya ako at patalon na bumaba sa kama habang hawak ang cellphone... Rinig na rinig sa buong bahay ang yabag ko dahil sa pagmamadali ko.
"Magdahan-dahan ka nga Diane!" Nakita ko si Mama na nag-aayos ng dining table
"Opo" tumingkayad ako habang tumatakbo para di na maingayan si Mama... Nakakatakot pa naman magalit dahil literal na nambabato ng plato.
Kinuwa ko ang kaldero at sinimulan ko ng magtakal ng bigas. Pagkatapos hugasan ang bigas ay sinalang ko na ito bago ako umupo sa may sofa.
Kinuwa ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko at nagpatuloy sa ginagawa ko kanina.
"Diane, kumulo na sinaing mo... napahinaan ko na." napa pause ko yung pinanonood ko dahil nandito na pala si Manang.
"Saan po kayo galing?" tanong ko dahil kanina ko pa hinahanap si Manang.
"Sa palengke lang... Bumili lang kami ng kasangkapan para sa pagkain mamayang gabi"
Tumayo ako at tinulungan si Manang na mag-ayos ng pinamili nila ni Manong.
Si Manang ang nag-alaga sakin simula bata pa ako kaya sobrang mahal na mahal ko si Manang. Tinuturing ko siyang parang tunay ko Nanay at tinuring rin niya akong parang sariling anak.
Asawa niya si Manong na ilang taon na rin nagtratrabaho samin. Dito na sila nakatira sa bahay namin para di na sila pabalikbalik... Walang silang mga anak dahil baog si Manang kaya ang sabi ko ako nalang gawing anak niya para di na sila malungkot.
Pagkatapos naming mag-ayos ay saktong luto na rin ang sinaing kaya sisismulan ko ng magluto ng favorite kong ulam!
'Ang itlog, hotdog at bacon!' Hehe
"Anong gagawin mo? Ako na bahala mag luto... Samahan mo muna mama mo doon sa sala." Si Manang
"Pero..." Pinandilatan niya ako ng mata kaya napakamot nalang ako sa ulo bago punatahan si Mama.
"Oh, inumin mo muna 'to anak" Inabot sakin ni Mama ang isang basong kape.
"Salamat Ma"
Katahimikan ang namagitan samin dahil nakatulala lang ako sa kape... Iniisip ko ang tungkol sa panaginip ko na matagal ng nanggugulo sa isipan ko.
Bigla kong naalala na may bibilhin nga pala ako kaso bumagsak ang balikat ko ng maalalang kulang ang pera ko. Inubos ko muna ang kape pero muntikan ko ng mabuga ang iniinom ko dahil medyo mainit pa pala.... Ang init sa tyan!
Pagkatapos kong ubusin ang kape ay napatingin ako kay Mama.
"Mama, pahingi po mamaya ng pera. May bibilhin lang po akong gamit " Saad ko habang nakatingin ng deretso kay Mama.
"Diba may pera ka? Binigyan ka ng Ninong mo ng tatlong libo dahil pasko nung nakaraang buwan?" Kaso kulang yun para sa bibilhin ko.
"Eh mama, kulang po yung pera ko. 3,500 po yung bibilhin ko kaso si Ninong lang po ang nagbigay. Kayo naman po ni Papa ay binilhan ako ng bagong Cellphone. Kaya wala pong dagdag na pera."
Tiningnan muna ako ni Mama maigi bago abutin ang wallet niya na nasa table lang na katabi ng sofa. Kumuwa siya ng pera na naghahalaga ng isang libong piso.
"Oh eto, isang libo yan. Hindi na muna kita bibigyan ng pera dahil malaki na yan. Ikaw bata ka kung saan-saan mo ginagastos ang pera mo. Oh sya, nandyan na sila Manang"
Napangiti ako "Thank you Ma! I love you!" tuwang tuwa kong sabi at humalik sa pisngi ni Mama.
(づ ̄ ³ ̄)づ
"I love you too anak"
'Hmmm, ang bango talaga ni Mama kaya ang sarap niyang yakapin'
Pagkatapos naming maglambingan ay pumunta na kami sa lamesa dahil kami nalang pala ni Mama ang inaantay.
Nakasanayan na naming kasama kumain si Manang at Manong.
"Kumpleto na tayo... Tayo'y manalangin na at marami pa kaming gagawin" sabi ni Manang
Pagkatapos manalangin ay kainan na!
Kumuwa ako ng itlog, hotdog at maraming bacon.... Marami rin akong nilagay na kanin dahil nagugutom ako.
Habang kumakain ay nagsalita si Mama."Anak, sasama ka ba samin ng Papa mo sa Korea? Pupunta kami sa korea ng Papa mo sa Monday." Napatingin ako sa kalendaryo.
Sabado ngayon bale may tatlong araw pa bago ang tinutukoy ni Mama na pupunta sa Korea "Kasama rin ang Tita Marie mo at mga anak niya." Pagpapatuloy ni Mama
Gusto kong pumunta sa Korea dahil matagal na kami hindi nakakapunta ulit doon pero... Mas malaki ang dahilan ko para hindi sumama.
"Hindi ko pa po alam Mama. Parang gusto ko pong umuwi sa San Jose, kala Lola" sabi ko.
Malayo ang probinsya namin dahil nasa bandang Norte pa toh.
"Bakit naman gusto mo doon pumunta? Gusto mo bang isama ang Lola at Lolo mo? Sige, sasabihan ko silang mag-ayos na dahil papasundo natin sila"
"Ma, hindi po yun. Para kasing namimiss ko na po ang Probinsya natin. Minsan nalang po kasi tayo nakakauwi roon."
Nag-isip saglit si Mama "Kung gusto mo talagang pumunta sa San Jose sabihin mo lang sakin para ma-inform ko rin ang Tita mo. Samantalang ang Papa mo naman ay tatanungin ko muna kung payag siya."
"Salamat Ma" akmang ililigpit na ni Mama ang pinagkainan kaya pinigilan ko siya "Ako nalang po ang maghuhugas Ma" sabi ko at kinuwa sa kanya ang pinagkainan. Tapos na pala kaming kumain. Ngumiti lang si Mama bago umakyat sa taas.
Nilagay ko na si lababo ang mga pinagkainan. Kumuwa ako ng basahan at akmang pupunasan ko na ang lamesa ng pigilan ako ni Manang.
"Ako na bahal ditpo... Maghugas ka na dun, masyado kang masipag na bata haha" naki tawa na ako dahil baka sumama ang loob niya kapag di ako tumawa.,
Pumunta na ako sa lababo at nagsimula ng maghugas. Naalala ko bigla ang mga panaginip ko nung mga nakaraang araw.
Laging pinapakita ang bahay namin sa Probinsya. Nag-umpisa lang ito nung isang buwan. Akala ko napaginipan ko lang ito dahil namimiss ko na ang bahay namin doon pero naging sunod-sunod na ito.
Gabi-gabi ay napapaginipan ko ang bahay namin.
'Anong matinong panaginip na palagi mo napapaginipan?! Ang creepy kaya'
Kaya gusto ko rin pumunta sa Sanctuary para maka-musta sila Lolo at Lola kung ayos lang ba sila doon at para mahanap ang mga sagot sa mga katanungan ko.
-
Abangan sa susunod na kabanata:
*Bakit kaya napapaginipan ni Diane ang bahay nila sa Probinsya?
*Makakapunta kaya siya sa Pangasinan?
*At papayagan kaya siya ng Tatay niya na pumunta sa Pangasinan na mag-isa?
★★★★
![](https://img.wattpad.com/cover/248455257-288-k548960.jpg)
BINABASA MO ANG
A Magical Virus: Zombie Outbreak
Science FictionSa isang lugar sa Maynila ay nakatira si Diane. Masaya ang pamumuhay nila ng pamilya niya. Hanggang isang araw ay napanaginipan niya ang bahay nila sa Probinsya. Akala niya ay normal na panaginip lang ito pero naging sunod-sunod ito. Napagpasiyahan...