Feb 26, 2015
"Mama, aalis na po ako" paalam ko at humalik sa pisngi ni Mama
"Sige, mag-ingat ka" Ngumiti ako at tumango bago ako lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ni Mama.
May motor naman ako kaso marami akong bibilhin. Pupunta kasi ako ngayon sa mall dahil may bibilhin ako na matagal ko ng pinag-iipunan. Totally kayang-kaya ko bumili nito dati pa pero mas gusto ko kasi pinag-iipunan ko.
Nanaginip nanaman ako kanina pero ganun parin ang nakita ko sa panaginip.
Maraming tao ngayon sa Mall dahil weekend. Sunday ngayon at bukas na aalis si Mama kaya may mga pinabili din siya sakin gaya ng pagkain at mga junk food.
Pumunta muna ako sa Hypermarket sa loob ng Mall at binili yung mga nakalista sa phone ko. Medyo marami rin kasi ito pero kaya ko naman siguro buhatin. Ng makuwa ko na lahat ng kailangan ko ay pumili na ako at nagbayad.
'Ang dami kong binili dahil umabot ng isang libo ang binayad ko'
Lumabas ako sa Hypermarket at pumunta sa parking lot para ilagay sa kotse ang mga pinamili ko. Binaba ko muna ang mga pinamili ko bago ko binuksan ang backseat. Nilagay ko doon ang mga binili ko para walang abala mamaya habang bumibili ako.
Siniguro ko munang nakasarado ang kotse bago ako bumalik sa loob at umakyat sa 2nd floor kung dahil nandun ang gusto kong bilhin
'Mahirap na. Paboritong kotse pa naman ni Mama tong dala ko.'
"Good morning ma'am" bati ng guard sakin
"Good morning rin sayo kuya" bati ko pabalik dito.
Hindi naman ako masungit para hindi tumugon sa simpleng bati sa mas nakakatanda sakin. Hindi gaya ng ibang mayaman na hindi marunong bumati kapag binabati sila ng mga saleslady o guard.
Paikot-ikot ako sa loob dahil hinanap ko kung nasan nakalagay yung gusto kong bilhin at napangiti ako dahil nandun parin yung gusto kong bilhin.
'Huli ka'
BINABASA MO ANG
A Magical Virus: Zombie Outbreak
Science FictionSa isang lugar sa Maynila ay nakatira si Diane. Masaya ang pamumuhay nila ng pamilya niya. Hanggang isang araw ay napanaginipan niya ang bahay nila sa Probinsya. Akala niya ay normal na panaginip lang ito pero naging sunod-sunod ito. Napagpasiyahan...