"Nasaang lugar ba tayo?" Tanono ko kay TrinityNaglalakad kami papunta daw sa bahay niya eh puro puno naman ang nakikita ko.
Totally ilang linggo ng puro puno nakikita ko
"Nasa Brgy. Sabog po tayo" Trinity
Napatango nalang ako. Kaya naman pala parang sabog yung nga lalaki kanina kasi nasa Brgy. Sabog kami.
"Ang ibig kong sabihin ay anong city ito" sabi ko
"Ah, nasa San Matino City po tayo" Trinity said
Bakit naman ganto ang tawag dito. San Matino City at Brgy. Sabog? Naka drugs ata ang nagpangalan nito eh
"Yung mga lalaki kanina? Kilala mo ba ang mga yun?" Tanong ko.
"Hindi po, naghahanap lang po ako ng pagkain ng bigla nila akong kinuwa at dinala doon sa manggahan." Sumbong niya "Ikaw ate, saan ka galing?" Trinity asked
Tiningnan ko muna siya mabuti. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan kaya sinabi ko sa kanya.
Kinuwento ko sa kanya kung bakit ako nandoon at kung taga saan ako. Sinabi ko rin sa kanya na nanakawan ako ng kotse at hindi ko alam kung nasaang lugar kami ngayon. Pero hindi ko kinuwento ang tungkol sa kuweba.
"Saan ka po ba patutungo?" Trinity
"Sa Sanctuary" sagot ko
Ngumiti ng malapad si Trinity
"Medyo malayo pa po ang Sanctuary. Dalawang lungsod pa po ang kailangan niyong daanan bago kayo makarating sa Sanctuary." Napahinto ako sa narinig
Akala ko puro malas ang mangyayari sakin kasi nanakawan ako, nagutom ako, nakagat ako ng ahas, nakagat ako sa panaginip at naging totoo, nanlalabo ang paningin ko nung nakaraan at sumasakit ang katawan ko pag hindi ako tumakbo o nag work out.
Buti nalang swerte parin ako dahil malapit na ako sa Sanctuary.
Pinatong ko ang kamay ko sa kanya at ginulo na ang magulong buhok.
"Salamat" sabi ko
"Walang anuman ate. Ako nga po dapat ang magpasalamat dahil niligtas niyo ako kanina. Pero ano po ba ang gagawin nila sakin kanina?" Inosente niyang tanong
Napatingin ako sa kanya. Seryoso ba siyang hindi niya alam? Napangiti ako
Ang inosente naman ng batang ito. Pag nakita ko talaga ang mga lalaking yun. Puputulan ko talaga ng mga ulo grrrr.
"Wala yun. Gusto lang nilang makipag-away. Mga bading kasi sila kaya sila pumapatol sa babae" sabi ko
Napatingin ako sa katawan ni Trinity
Maliit siya,mukhang amerikana dahil maputi siya at kulay blonde ag buhok. Maliit ang mukha niya at sakto lang ang payat niya.
Ang sabi niya ay 7 years old na daw siya
Tumango tango siya at hindi na nagsalita. Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Makalipas ng ilang minuto ay may tinuro siya.
"Ayun po ate Diane yung bahay namin oh" turo niya sabay takbo sa maliit na kubo.
"Lola may bisita po tayo kaya bangon na po kayo diyan" rinig kong sabi ni Trinity
Bigla siyang sumilip sa bintana at parang sinasabi na pumasok ako.
"Good morning po" sabi ko bago pumasok.
Ang una kong nakita ay isang mapayat na babae na nakahiga sa papag. Nakatingin siya sa mga armas ko sa bewang. Nakalagay kasi sa belt yung pana ko at katana. Baka natatakot siya kaya hinubad ko ang belt kl bago ako lumapit kay Lola.

BINABASA MO ANG
A Magical Virus: Zombie Outbreak
Ficção CientíficaSa isang lugar sa Maynila ay nakatira si Diane. Masaya ang pamumuhay nila ng pamilya niya. Hanggang isang araw ay napanaginipan niya ang bahay nila sa Probinsya. Akala niya ay normal na panaginip lang ito pero naging sunod-sunod ito. Napagpasiyahan...