Alanganin akong ngumiti "Sino po kayo?" Tanong ko.
Nanginginig ako sa takot dahil baka patayin nila ako. Sino ba sila? Nasaan kami? At anong ginagawa ko dito? Ang alam ko nasa kuweba ako at hindi to kuweba. May mga kandila sa bawat poste. Malamig ang paligid kahit walang hanging nararamdaman.
"Ikaw ang tinakda" Maamong sabi ng matandang babae sakin. Nakatingin sila sakin.
May nagawa ba akong mali? Kung makatingin kasi sila sakin ay parang kilalang kilala nila ako. Teke, anong sinabi ulit ni Lola? Tinakda?
"Tinakda?" Takang tanong ko. Anong tinakda? Ang sabi ng Mama ko noong bata ako, tinakda daw akong maging isang Engineer. Ayun ba ibig sabihin ni Lola?
"Tinakdang magliligtas sa mundo" sabi ng misteryosong Lolo. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko dahil baka mabastos ko si Lolo. Pfft, tinakda? Tinakdang magligtas ng mundo, eh hindi ko nga mapagtanggol sarili ko HAHAHA. Duwag din ako.
Napatigil ako ng may mapagtanto.
Oh my god! Huwag nyong sabihing nakapag drugs sila.
"Nag dru-drugs po ba kayo?" Alanganin akong ngumiti
Ngumiti ang matandang lalaki at may inabot sa aking isang parang arnis na bakal pero maliit lang siya. Kulay black siya at may pulang guhit sa gitnang parte.
Anong gagawin ko dito? Hindi naman ako baranggay tanod para humawak ng arnis.
"Sa oras na magising ka ay hawakan mo ang magkabilang dulo nito at ikutin mo pataas ang nasa kanan at pababa naman ang nasa kaliwa. Magagamit mo ito sa tamang panahon." Sabi ni Lolo.
Huh? Magagamit sa tamang panahon? Ibig sabihin magiging tanod ako sa hinaharap?! Mukhang kailangan ko na atang mag aral maigi.
Kinuwa ko ang inaabot sakin ni Lolo at nagpasalamat kahit hindi ko naman alam kung para saan toh.
Muntikan ko pang mabitawan dahil ang bigat. Pano ko toh maihahataw kung sobrang bigat? Siguradong basag ang bungo ng matamaan ko.
Lumapit pa siya lalo sakin at daha-dahang yumuko. Aatras sana ako pero hindi ko magalaw ang katawan ko.
Anak ng! Anong nangyayari sakin?! Bakit hindi ako makagalaw?! Tulong!
Pakiramdam ko maiiyak na ako dahil hindi ko maigalawa ang katawan ko. Kung panaginip lang toh sana magising na ako.
Lalong nilapit ni Lolo ang mukhga nya sa mukha ko. My ghad! Don't tell me hahalikan ako ni Lolo?! Child abuse!
Gusto ko mang ipikit ang mata ko pero hindi ko mnagawa. "Patawad" mahinang bulong niya sa tainga ko. Kinuwa niya ang kaliwang kamay ko at kinagat ako sa bandang taas ng pulso. Napaluha ako sa sakit. Parang sinusunog ang braso ko dahil sa init.
Lumuluha kong tiningnan ang kaliwang braso ko. Tumutulo sa malamig na sahig ang dugo ko.
Welengya, mukhang may lahing aso si Lolo. Nangangagat bigla wala namang akong ginagawang masama huhu.
BINABASA MO ANG
A Magical Virus: Zombie Outbreak
Science FictionSa isang lugar sa Maynila ay nakatira si Diane. Masaya ang pamumuhay nila ng pamilya niya. Hanggang isang araw ay napanaginipan niya ang bahay nila sa Probinsya. Akala niya ay normal na panaginip lang ito pero naging sunod-sunod ito. Napagpasiyahan...