Prologue

13 1 0
                                    

Disclaimer:

This story was certainly made by the author's  imagination. Names of characters,places, events that resembles actual person. Living or dead, were purely  coincidental, or used in a fictional manner.

Ps.

Errors Ahead, but correcting me sincerely in order to improve will be highly appreciated.



_________

I was driving at the middle of the nowhere when I suddenly realized that this place was actually familiar.

Napaliko ako sa kanto nang makitang hindi parin ito nagbabago. I guess not all things can be changed over the years.

Flashes of memories had occur as I continue passing along the street. It seems to me that they did not change the way I expect them to be.

I smiled when I saw the familiar bench which reminds me of someone...

I looked above the sky and saw my favorite star, the Orion belt or the three kings.

Nabigla ako nang mapansing may mumunting luhang kumawala sa gilid ng aking kaliwang mata.

Inihinto ko ang sasakyan at tinungo ang kabilang kalsada. Kung saan naron ang isa sa mga lugar na hinding-hindi ko makakalimutan.

                                           ••

" Napapagod nako kainis!" Naiiritang reklamo ko kay Thene.

Papaano ba naman, halos tatlong oras na kaming umiikot sa buong village pero hindi pa daw mag iistart yung groupings!

Tumakas na nga lang ako sa bahay eh.

Mapapagalitan na nga pagkauwe, babagsak pa! Aba double kill!

" Ano ba! Ako din naman pagod ah, ba't sa akin ka nagrereklamo? " Bulyaw naman nito pabalik.

Nanlaki ang mga mata ko nang sigawan nya ko. Bakit parang galit sya? Inano ko ba 'to?

" Ah ganon? Bat ka naninigaw ha? Inaway ba kita? Bahala ka nga dyan! Susumbong kita sa kuya ko! Bwiset! " Ani ko at nanakbong umalis para iwan sya.

Yung Arsenthene na yun nakakainis! Napaka plastic sarap sabunutan eh.

Marahas kong hinawi ang magulo kong buhok.

Oo mas magulo pa sa buhay mo!

Saka nagmartsa sa gitna ng kalsada. Nilingon ko ang paligid, umaasang magiging pamilyar ito sa akin ngunit nabigo ako.

Bukod sa napapagod nako ay nagugutom na rin ang mga bulating malilikot sa tyan ko.

Nako!

Ang bilin pa naman sa akin ni kuya Trino, wag ko daw gutumin yung bulati ko kase baka daw mag wala sila!

Hala nakakatakot.

Napagpasyahan kong huminto sa tapat ng bilihan ng mga street foods para pakalmahin ang nagaalburoto kong mga bulati.

"Ate, 10 pesos po na kwek-kwek tapos 5 na fishballs.

*whispers* ( 10+1..2..3..4..5=..ah 15!)

Yung 5 po palamig nalang. Thank you"
Ibinayad ko ang bente pesos at matyagang naghintay sa tapat.

Ang init!

Buti nalang may 20 pesos akong baon bukod sa packed lunch at sandwiches na pinapabaon sakin ni kuya Trino.

Napagkasya ko yung bente na yon kahit pantawid gutom lang.

Naubos ko na kasi kanina yung pinabaon sakin na kanin eh. Siguradong papagalitan nanaman ako,pag nalaman na hindi ako nagdiretso ng uwi!

His Epitome of LuminaryWhere stories live. Discover now