Chapter 4

1 0 0
                                    

"Is it true?" Tanong ni Tanya nang salubungin niya ako.

Pumasok ako ngayon na paika-ika. Pwede naman na akong maglakad at nagflat shoes ako.

Nagkasalubong ang dalawa kong kilay. "Anong totoo?" Nagtatakang tanong ko.

Sinabayan niya ako sa paglakad papuntang College of Accountancy building. "Lady gaga ka talaga Allison. Hibang na hibang ka talaga kay Raven. Tigilan mo nga iyan! Wake up! Bakit ka kumuha ng units na hindi naman kasama sa curriculum natin?"

"Para makasama siya." Sagot ko. "Teka nga, kanino mo nalaman?"

"I have a friend from your advertising class. Sabi niya kaklase ka daw nila sa minor subject na iyon."

"Ay yun lang pala eh." Kibit balikat ko. Napatingin ako sa lips niya, "Nikie Minaj ang peg ng lipstick mo. Pak na pak! Kinabog mo ako." Sabi ko habang tumatawa. Ganito talaga kaming magkaibigan, nilalait ang isa't isa.

Umirap siya sa akin. "Eh kasi naman si Tita Erin, triny sa akin ang mga binebentang lipstick niya. Ano ako? Tester?" Reklamo niya.

"Parang ganun na nga. At least branded naman yung binebentang lipstick ng tita mo." Sabi ko. Kilala ang company ng Tita Erin niya in the cosmetic industry.

"Hay naku nililihis mo ang topic. Concern lang ako sa iyo Allison. Yung tipong sinasaktan ka niya, hindi ka niya pinapansin, at ginagago ka niya tapos sa huli, kikiligin ka pa. Forget him na. He's not worth to wait." Payo niya sa akin na nagpakulo ng dugo ko.

"He is. Hindi ka pa kasi naiinlove kaya hindi mo ko maintindihan." I frowned.

"Hindi pa ako naiinlove pero sinasabi ko sa iyo kung anong nakikita ko. He does not like you. Ilang taon mo na siyang sinusundan? Ugh! Almost 3 years na at wala pa ring nangyayari. You rejected your mother's proposal to study in the US. Learn to love yourself Allison. Galit na ako, nag-eenglish na eh."

"One day you'll fall in love Tanya." Maikling sabi ko habang tumingin-tingin sa paligid. Malay nyo may makita akong mga gwapo. Kahit love ko si Ravphil, hindi ko pa rin mapigilang magboyhunting. Haha.

"I expect that. Pero hindi ako magpapakatanga gaya mo."

"Ouch ha! Ang sakit nun. Bully ka. Bully ka ng feelings."

Remorse of a HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon